Advertisers

Advertisers

2 sa 6 pumatay sa company collector

0 204

Advertisers

NADAKIP na ng Valenzuela City Police ang dalawa sa anim na pumaslang sa isang company collector nitong Oktubre.
Kinilala ang mga naaresto na sina Police Corporal Michael Castro na nag-AWOl; at Edgar Batchar na lookout sa krimen.
Ayon kay Valenzuela City Chief of Police, Col. Fernando Reyes Ortega, nailabas na ng Korte ang warrant of arrest laban sa anim at nahuli na ang dalawa sa pumatay kay Luigi Hernando na isang company messenger at collector.
Patuloy pang tinutugis ng Valenzuela Police ang iba pang salarin na sina Rico “Moja” Cubos, ang gunman; rider na Narciso “Tukmol” Santiago; sinibak na si Patrolman Anthony Cubos; at Jo-Anne Cabatuan.
Robbery with homicide ang kinakaharap na kaso ng mga salarin.
Matatandaan na October 9 nang pinagbabaril si Hernando.
Base sa kuha ng CCTV footage, sakay ng motorsiklo ang biktima at binabaybay ang Paso de Blas nang biglang dikitan ng riding in tandem. Bumunot ng baril ang angkas at pinutukan ang biktima hanggang sa matumba ang motorsiklo nito.
Bumababa ng motorsiklo ang dalawang lalaki at kinuha ang bag ng biktima.
Tinangay rin ng mga salarin ang motorsiklo ni Hernando.
Sinabi naman ni PNP Chief, General Debold Sinas, na malaking tulong ang CCTV footages sa pagresolba ng krimen.
(Gaynor Boniila)