Advertisers
INANUNSYO ng Miami Heat opisyal ang paglagda ni free agent guard Avery Bradley nitong Lunes.
Hindi inilabas ng team ang financial details, ayon sa ulat dalawang taon at nagkahalaga ng $ 11.6 million.
Si Bradley ay naglaro last season sa Los Angeles Lakers, na tumalo sa Miami Heat anim na games sa 2020 NBA Finals.
“This is a great signing that can help us right away,” wika ni Heat president Pat Riley sa release. “Being able to add a two-time All-NBA Defensive Team selection who is also a great shooter and fits perfectly with our current philosophy as a multi-positional player. Avery will be a great addition to fortifying our backcourt.”
Bradley, na mag 30 sa Huwebes, ay may average na 8.6 points,2.3 rebounds,1.3 assists at 24.2 minutes in 49 games (44 starts) sa Lakers noong 2019-20. hindi siya naglaro sa NBA restart sa bubble sa Orlando dahil sa family problem at hindi sumali sa Lakers postseason run.
Ang 10-year veteran ay may career average na 11.8 points, 2.9 rebounds, 1.8 assists at 1.0 steals sa 571 games (493 starts) sa Boston Celtics, Detroit Pistons, Los Angeles Clippers, Memphis Grizzlies at Lakers.