Advertisers

Advertisers

Binatilyo ‘di nakinig sa busina ng tren, pisak

0 209

Advertisers

NASAWI ang isang binata nang mahagip ng tren sa Pandacan, Maynila.
SA ulat, naglalakad ang 17-anyos na binata na di pa pinangalanan sa gilid ng tren nang mangyari ang aksidente.
Ayon kay Barangay Chairman Paulino Soriano ng Barangay 836, nangyari ang aksidente 8:00 ng gabi ng Lunes, Nov. 23.
Sa kabila umano ng malakas at tuluy-tuloy na busina ng tren, tila hindi ito alintana ng lalaki.
Nagtamo ng matinding pinsala sa katawan ang lalaki na kaniyang agad ikinasawi.(Jocelyn Domenden)