Advertisers

Advertisers

Dengvaxia implementor papanagutin sa Anti-Torture Act!

0 305

Advertisers

Ito ang isinisigaw ng mga magulang ng mga batang nangamatay sa mala-tortyur na epekto ng DENGVAXIA VACCINATION na inilunsad ng gobyerno sa pamamagitan ng DEPARTMENT OF HEALTH (DOH).

Ipinunto ng ilang mga magulang na ang kanilang mga anak ay dumanas ng matinding tortyur, nagsisigaw sa matinding sakit na nararamdaman ang kanilang mga anak na marami sa mga ito ay kailangan pang itali sa pagkakahiga upang hindi mag-aaringking o magpapapasag sa sakit.., na kinahantungan ay ang pag-agos ng dugo sa mata, ilong at taynga ng mga batang napagbabakunahan ng DENGVAXIA.

Bunsod nito, ang tanggapan ni PUBLIC ATTORNEYS OFFICE CHIEF, PERSIDA ACOSTA na bukod sa kasong RECKLESS IMPRUDENCE RESULTING TO MULTIPLE HOMICIDE ay kasong RA 9745 o ang “AN ACT PENALIZING TORTURE AND OTHER CRUEL, INHUMAN AND DEGRADING TREATMENT OR PUNISHMENT AND PRESCRIBING PENALTIES THEREOF (Torture resulting in the death of any person, and torture committed against children) ang kakaharapin ng mga nagpasimuno sa programang DENGVAXIA VACCINATIONS na isinagawa noon sa pangunguna ni noo’y dating HEALTH SECRETARY at ngayo’y 1ST DISTRICT ILOILO REPRESENTATIVE JANETTE GARIN.



Kahapon ay may 100 mga magulang ang nagtungo sa QUEZON CITY HALL OF JUSTICE para panumpaan ang kanilang mga statement na isasampang kaso ngayong araw sa DEPARTMENT OF JUSTICE (DOJ).., kung saan ay kasama na sa kanilang kakasuhan ang ngayo’y HEALTH SECRETARY DR. FRANCISCO DUQUE III.

Sa pagharap kahapon ni PAO CHIEF ACOSTA sa mga mamamahayag ay naipunto nito na malaki ang tsansa umano nilang mapapaburan at mabigyan ng hustisya ang sinapit na malatortyur na kamatayan ng mga batang nainiksiyunan.

Inihayag din ni PAO FORENSIC CHIEF DR. ERWIN ERFE na marami pa umano ang dapat nilang ipa-autopsy, subalit dahil sa protocol na ipinaiiral dulot ng COVID-19 PANDEMIC ay nabinbin muna at ang mga nangamatay ay inilibing na muling huhukayin para ma-autopsy kapag wala na ang health protocol na ipinaiiral ng gobyerno.

Aniya, ang DOH sa panahon umano ni CONG. GARIN ay hindi umano inilabas sa publiko ang prescription ng gamot na DENGVAXIA, dahil may precaution na ang naturang bakuna laban sa sakit na dengue ay hindi maaaring mapabakunahan ang mga hindi pa nagkadengue.., kung saan ay pursigidong inilunsad noon ang MASS VACCINATION sa mga batang mag-aaral kahit walang parental consent o ni hindi man lamang sinuri ang health status ng mga bata para malaman kung angkop bang bakunahan o hindi ang sinumang bata para sa DENGVAXIA.

PCUP TAHIMIK LANG SA MGA PROYEKTO…



Halos bibihira lamang maibalita ang mga mobilisasyon ng PRESIDENTIAL COMMISSION FOR THE URBAN POOR (PCUP).., pero napakarami na palang natutulungan ang ahensiyang ito para sa pagbibigay asiste sa mga maralitang sektor.

Sa pangunguna ni PCUP CHAIRMAN, UNDERSECRETARY ALVIN FELICIANO ay mayroon nang 11,786 na mga benepisaryo mula sa LUZON, VISAYAS at MINDANAO ang nabahaginan ng caravan.., kung saan, ang bawat caravan na kanilang inilulunsad ay mandatory na ipinaiiral nila ang health protocols na ipinatutupad sa buong bansa pati na rin ang mga espesyal na ordinansa ng bawat lokal na pamahalaan ay kanilang sinusunod.

Ang caravan ay pinasimulan nitong October 15 kaalinsabay sa naging pagdiriwang ng URBAN POOR SOLIDARITY WEEK na iba’t ibang mga programa ang ibinabahagi ng mga FIELD OPERATIONS DIVISION ng NATIONAL CAPITAL REGION, LUZON, VISAYAS at MINDANAO.

Aniya, tuloy-tuloy ang pag-arangkada ng PCUP HEALTH CARAVAN sa iba’t ibang parte ng ating bansa hanggang sa katapusan ng December ngayong taon.., na ang programa ay naglalayong mabigyan ng maraming impormasyon ang maralitang sektor ngayong panahon ng pandemiya at magkaroon ng kamalayan patungkol sa mga dapat gawin at iwasan upang hindi magkasakit o madapuan ng virus.

“Bukod sa mga trainings at seminar, namamahagi rin po ang Komisyon sa Health caravan ng health kits na naglalaman ng mga face masks, face shields, at galon-galong alcohol. Layon ng kampanyang ito na maipakalat ang mga tamang impormasyon tungkol sa COVID-19 sa mga maralitang komunidad,” pahayag ni USEC. FELICIANO.

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.