Advertisers
PINAKAKALAT ngayon ng kampo ni Pangulong Digong ang Duterte-Duterte sa 2022 elections.
This means mag-amang Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio at outgoing Pres. Rody Duterte.
Hindi na puedeng tumakbong pangulo si Digong, pero puede siyang kumasang Vice President ng kanyang anak na si Sara.
Ito ang pinalulutang ni Presidential Legal Chief, Atty. Salvador Panelo.
Actually few months ago pa pumutok ang Duterte-Duterte nang lumabas sa isang local survey sa Mindanao na siyento porsiyento ay gusto nila ang mag-ama sa 2022 Presidential derby.
Maraming beses naring inanunsyo ni Pangulong Digong na nagpaplano nga si Sara na kumasa sa pagkapangulo.
Nagsabi narin si Sara na naghihintay lang siya ng “bendisyon” o paramdam mula sa Itaas bago magdesisyon.
Nitong mga nakaraang linggo, matapos ang magkasunod na bagyong Quinta, Rolly at Ulysses ay naging visible na si Sara sa pamimigay ng tulong sa mga naapektuhan ng kalamidad sa Bikol, balwarte ni Vice President Leni Robredo.
Si Robredo ang nakikitang tanging panlaban ng oposisyon sa darating na halalan. Pero maraming beses nang sinabi ng biyuda ni late DILG Secretary Jesse Robredo na wala pa siyang balak tumakbong presidente pero bukas ang posibility dahil ang pagi-ging presidente raw para sa kanya ay ‘di pinaplano kundi isang destiny tulad ng nangyari kina Noynoy Aquino at Digong.
Sabi ni VP Leni, magtatrabaho nalang muna siya at hintayin kung ano ang magiging kapalaran pagsapit ng Oktubre 2021, filing ng Certificate of Candidacy (CoC).
Balikan natin ang Duterte-Duterte 2022. Sakaling ang mag-ama nga ang mag-tandem, paano na sina ex-Sen. Bongbong Marcos, Sen. Manny Pacquiao, DPWH Sec. Mark or Sen. Cynthia Villar, Sen. Tito Sotto, Cong. Alan Peter Cayetano na “willing” mag-bise kay Sara?
Baka ang mangyari rito, pag nagkataon, ay isa sa mga presidentiable na ito ang mag-tandem kay Robredo like Pacquiao. Mismo!
Oo nga pala, ang Robredo-Pacquiao ay niluluto na, ayon sa aking reliable source. Naputol lamang ang pag-uusap dito dahil naging busy si VP Leni sa paghahatid ng mga tulong sa mga nasalanta ng kalamidad. Subaybayan!
***
So far, maingay sa social media ang Duterte-Duterte, pero ang Robredo ay patindi nang patindi nang patindi ang dating sa masa lalo sa kababaihan simula nang insultohin, personalin, bantaan at murahin ni Pangulong Digong sa kanyang weekly public address noong Nobyembre 17 (Martes) dahil sa nag-trending na ‘#Nasaan AngPangulo?’ nung kasagsagan ng magkakasunod na malalakas na bagyong Rolly at Ulysses. Si Leni ang inakusahan ni Digong na nagpakalat ng naturang hashtag, na itinanggi naman ng Bise Presidente.
Sa aking palagay, hindi lang dalawa ang tatakbo ng pagkapangulo sa 2022. Tingin ko ay apat hanggang lima.
Isa sa mga ito ay ang bata, guapo at smart na alkalde ng Maynila na si “Isko Moreno” Domagoso na 18 years narin naman bilang halal na opisyal ng kapital ng Pilipinas.
Si Isko ay dating basurero sa Tondo na naging artista at napasok sa politika mula sa Konsehal ng 9 years, Vice Mayor (6 years) at ngayon ay Mayor ng Maynila.
So far, si Isko ang isa sa kinikilalang pinakamahusay na local official sa buong bansa pagdating sa pagpaganda ng lugar at paghahatid ng serbisyo sa kanyang constituents pati pagbibigay ng tulong sa ibang lungsod/bayan, lalawigan na nasasalanta ng kalamidad. Hinog na rin si Isko para mamuno sa bansa. Mismo!