Advertisers
PANATAG ang Malakanyang na agad na aaksyunan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hirit ng Estados Unidos na palawigin pa ang suspensyon sa pagkalas ng Pilipinas sa Visiting Forces Agreement (VFA).
Ayon kay Presidential Spokesman Atty Harry Roque, “noted” para kay Pangulong Duterte ang hiling ng mga otoridad sa Estados Unidos na palawigin pa ang pagpapaliban ng Pilipinas sa pagbasura sa nasabing kasunduan.
Matatandaang ipinag-utos ng pangulo na ipagpaliban muna sa loob ng anim na buwan ang suspensyon ng VFA dahil aniya sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic. (Josephine Patricio)