Advertisers
PINAGHARIAN ni Grandmaster Mark Paragua ang katatapos na GM Rosendo Carreon Balinas Jr. Online Chess Tournament na tinampukang 3 Years old Birthday Celebration ni Baby Uno na ginanap nitong Lunes, November 23, 2020 sa lichess.org.
Ang New York, USA based Paragua ang nagkubra ng titulo ng Open Division na nakalikom ng 95 Arena points sa 36 games para sa win rate 75 percent at performance rating 2633 sa event na tampok ang 202 players worldwide.
Naibulsa ni Paragua ang cash prize P1,000, habang sina second placer Karl Victor Ochoa (Malolos, Bulacan), third placer Rommel Ganzon (Cebu), fourth placer Sherwin Tiu (Manila) at fifth placer Ted Ian Montoyo (Bacolod City) ay nakatanggap ng tig-P600, P400, P300 at P200.
Ang 1.1 bullet online tournament ay suportado ng Brainy Chess Academy na isinagawa sa pakikipagtulungan ng Bayanihan Chess Club.
Namayagpag din sina NM Jullius Sinangote (Quezon City), IM elect Eric Labog Jr. (Nueva Vizcaya), GM Darwin Laylo (Marikina City), FM Jesse Noel Sales (Sydney, Australia)
(Marlon Bernardino)