Advertisers

Advertisers

Totoy nalitson ng buhay sa sunog sa Maynila

0 190

Advertisers

MASAKLAP na kamatayan ang inabot ng isang 12-anyos batang lalaki nang ma-trap sa nasusunog nilang bahay sa San Andres Bukid, Maynila nitong Martes ng umaga.
Kinilala ang biktima na si John Daryl de Jose, 12, ng Fabie Estate, San Andres Bukid.
Sa ulat ng Bureau of Fire Protection-Manila, nagsimula ang sunog 9:00 ng umaga na inakyat lamang sa unang alarma.
Isang bahay lamang ang natupok ng sunog kungsaan natagpuan ang biktima sa ikalawang palapag ng kanilang bahay.
Sinubukan pang sagipin ang bata ngunit hindi na ito nailigtas pa dahil sa bilis ng paglaki ng apoy.
Dakong 10:30 ng umaga nang ideklarang fire out ang sunog.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng BFP sa sanhi ng sunog sa lugar. (Jocelyn Domenden)