Advertisers

Advertisers

5 taon nagtago: Wanted sa kasong pagpatay, huli

0 212

Advertisers

MATAPOS ang halos 5 taon na pagtatago sabatas, nahuli ang isang senior citizen na pumatay umano sa kaniyang kapitbahay sa Quezon City.
Kinilala ang naaresto na si Narciso Llanes, 65. Nagtago siya matapos mabaril ang kaniyang kapitbahay noong Disyembre 2015.
Sa ulat, nagsimula lamang sa simpleng bangayan ang away nang may tauhan ang salarin na nagharang ng motorsiklo sa daan at ito ang naging dahilan kung bakit napatay ni Llanes ang kapitbahay.
Naikot ng salarin ang mga probinsya sa norte sa pagtatago hanggang mahuli ito sa Maragondon, Cavite nitong Martes.
Nahaharap sa kasong murder si Llanes.