Advertisers
Ni JOVI LLOZA
HINDI pa rin nga tumitigil si KC Concepcion sa pagtulong sa mga nasalanta ng bagyo.
Nagbenta ang aktres ng dinisenyong alahas para itulong sa Cagayan na mga biktima ng bagyo.
Dalawang bagyo naman kasi ang nanalanta sa ating bansa, sina Rolly at Ulysess.
Kapuri-puri ang pagtulong ni KC, dalawa na sila ni Angel Locsin na agad umaaksyon kapag may kalamidad sa bansa.
Dahil isa sa nasalanta ng bagyo ang Bicol kaya nag-isip na naman si KC kung paano matutulungan ang mga mangingisda na apektado.
Umaksyon nga agad si KC at nagbenta ng kanyang mga gown na ang napagbentahan ay itinulong sa mga naapektuhan ng bagyo.
***
MALAKI ang naging parte ni Maine Mendoza sa karera ni Alden Richards kaya ura-urada raw niyang tatanggapin ang makasama muli sa proyekto ang una.
May mga netizen kasi na solid AlDub na nagwi-wish na magkasama muli ang dalawa sa isang project.
Handa raw si Alden if ever na mabigyan sila ulit ni Maine ng pagkakataon na magsama sa proyekto.
Samantala, sa kabila na pandemic ay thankful si Alden na dagsa ang kanyang karaketan at dahil blessings na ang kinita nito sa Mobile Legend na 200k ay itutulong daw nito sa mga apektado ng bagyo.
Well, well, well…’Yun na!