Almost 3 months pa lang sa Youtube… King of Talk Boy Abunda in-demand sa digital shows at milyon na ang viewers
Advertisers
Ni PETER S. LEDESMA
MILYON na ang viewership at may 75.2k subscribers na ang sariling Youtube channel ni Kuya Boy Abunda na “The Boy Abunda Talk Channel” na inumpisahan niya noong first week ng September lang this year.
Yes, maliban sa parami ang nanonood sa kanyang channel na patok sa lahat ang mga naisip na content tulad ng BA’s Walk & Talk kasama ang partner in life na si Sir Bong Quintana (sila ang kinaaaliwang tandem ngayon sa internet), Spoken Mula Sa Puso, The Interviewer, Talk About Talk (TAT), Boy Abunda Originals at sikat na Fast Talk Ng Bayan ay mabilis din ang pagtaas ng subscribers ng YT channel ng nasabing Kapamilya TV Personality na isa na ring social media influencer.
At dahil sa mabilis na pag-angat ni Kuya Boy sa kanyang Vlog, in-demand siya ngayon sa digital shows na aside sa kanyang channel ay mapapanood din siya sa KUMU para sa kanyang “The Best Talk Show” at tatlo sa kanyang mga naging guests na rito sina Ai-Ai Delas Alas, Kisses Delavin, at John Lloyd Cruz.
Number one naman sa Spotify ang Podcast show ni Kuya Boy na “Who Are You, When No One’s Watching” sa Podcast Network Asia at ilan sa mga naging panauhin na niya sa programa sina Angel Locsin, Frankie Pangilinan, Bro. Bo Sanchez, President Spokesperson Harry Roque at ang couple na movie and TV producers na sina Perci Intalan at Jun Lana Robles.
Mapakikinggan ito sa Spotify at Apple Podcast na malaki ang listenership. Samantala, muling tumanggap ng award sa 18th Gawad Tanglaw si Kuya Boy na waging Best Talk Show Host.
***
7K Sounds Ng Singer-Actor Na Si LA Santos Pwedeng Lumaki, Gretchen Ho Host Ng Digital Show
Tuluy-tuloy ang dating ng entries sa pamamagitan ng email sa 7K Sounds Studio para sa “Search for the Sound of Seven Thousand Christmas Songs” na inorganize ng isa sa sikat na Star Music artists na si LA Santos na founder din ng 7K Sounds katuwang ang very loving and supportive mother na si Madam Flor Santos at Direk Alco Guerrero.
Dapat ay original na Pamaskong awitin ang isa-submit mong entry para mapabilang sa pagpipilian at mag-uumpisa na ang contest sa December 4 hanggang December 10.
Sa Dec.11 naman gaganapin ang finals na ia-announce ang napiling winner. Sa 7,000 original Christmas songs na entries ay positibo si LA, na makalilikha sila ng pamaskong awitin na hindi lang papatok kundi magiging classic pa tulad ng “Christmas In Our Hearts” ni Jose Mari Chan na global ang kasikatan at “Pasko Na Sinta Ko” ni Gary Valenciano at iba pa.
Napakatalentado ng Pinoy at siguradong isa sa 7 libong kompositor ay makagagawa nito. Si Gretchen Ho pala ang host ng umeereng digital show ng 7K Sounds na every episode ay may ipi-feature silang entries.
Sa mga gustong humabol you can send your entry to info@7k sounds.com. Sa singing career naman ni LA, dalawa sa hit single niya na “Hibang” at “Tinamaan” ang mapapanood sa Youtube channel ng Star Music na may 5.88M subscribers na.
Mahusay ring actor si LA at kanya itong pinatunayan sa 2018 movie ni Cristine Reyes na “MARIA” na matagal ipinalabas sa NETFLIX. This year ay parte si LA ng cast ng Mamasapano movie na pinagbibidahan nina Edu Manzano, Aljur Abrenica, JC De Vera, etc.