Advertisers

Advertisers

BEERMEN, BABALASAHIN

0 203

Advertisers

HINDI sa laro babalasahin ang SAN MIGUEL BEERMEN dahil after 5-year championship reign nila sa PBA PHILIPPINE CUP ay bigo ang team sa kampanya para sa 6th crown, laglag sa laban para sa Finals.

Kasalukuyang nasa laban ang sister team nitong GINEBRA SAN MIGUEL sa paghablot ng slot para makipag-agawan sa tsansa sa kampeonato na binubuno laban sa MERALCO BOLTS, TNT TROPANG GIGA at PHOENIX FUELMASTERS.

Babalasahin by rebuilding ang BEERMEN at sinisilip ang anggulo kung saan nagkukulang ang powerhouse dahil laglag sa semis.



Nakatuon ang silip sa veteran players ng tropang mag-aalak parai-trade sa new blood. Si CJ PEREZ ang unang target hatakin ng SMB. Ang tanong, sino o sinu-sino sa veteran cagers ang tatamaan ng balasahan?

AYON sa ilang insiders, baka mai-trade ang sinuman sa veteran cagers ng BEERMEN partikular ang nasa late 30’s. Kabilang diyan sina ARWIND SANTOS, ALEX CABAGNOT, MARCIO LASSITER at CHRISROSS. Masama siyempre ang loob at hindi mapakali ang supporters ng mgapambatong pinagpipilian na mahalagang parte ng diretsong kampeonato ng SMB for years.

NASAAN ANG TOTOONG KULANG NG POWERHOUSE?

HINDI ikinukunsidera ng maraming Sports followers angidea na kulang talaga sa power kaya laglag ang team. May mga nakatingin sa hindi umano kagandahang strategy ni Coach LEO AUSTRIA sa pagpili ng isasabak sa laro. Kahit minus JUNEMAR FAJARDO and MATTGANUELAS ROSSER dahil injured, nasa kanya ang top players led by hisveterans.

Nasanay na raw kasi si Coach LEO na nasa last row munabago bumira at maghabol na lang, at nakuha naman ang kampeonato nang ganoon maraming beses na. Madalas daw may nakabangko silang players na di nabibigyan ng role e kaya naman nalipat sa SMB ay talagang malaki ang potensyal sa champion team. Kungsabagay, kanya-kanyang observation and opinion lang naman.



IBA LANG ANG SAMAHAN

ILANG beses din sinabi ni SMB Big Boss RAMON S. ANG na ‘SA LAHAT NG NAKITA KONG TEAM, ITO ANG PINAKAMAGANDANG SAMAHAN’ kaya tumagal at patuloy ang championship period, saksi po kami sa mga nagdaang victory party nila at sa mga pahayag na ganun, mula sa opisyales. Mismo, si Coach LEO AUSTRIA rin ang nagsabi, “Hindi naman ako ganun kagaling, talaga lang napakagaling ng team (batch) na ito.”

Well, napag-uusapan lang naman po ng mga tutok sa basketball, mukhang curios lang, “Mabuti raw at walang sumisilip sa‘hindi kagalingang strategy ni Coach LEO na pwedeng naging cause din ng short campaign nila for championship ngayong 2020 PBA PHILIPPINE CUP.”

Sa ganang amin po, walang sinuman sa kanila tulad din ngSports followers, ang may control. Lahat sa team, iisa ang target, championship at pananatili ng teamwork, win or lose. Pwede rin, suwerte-swerte lang bukod sa team effort. HAPPY READING!