Advertisers

Advertisers

Congrats, Cong. Along!

0 701

Advertisers

HINDI ako taga-Caloocan pero nasubaybayan ko ang mga kaganapan sa bahaging ito ng North of Manila dahil ang lungsod na ito-noon pa man- ay hitik ng mga nagbabagang balita kung ang pag-uusapan ay politika.

Bilang mapanuring mamamahayag,walang nakakatakas na balita sa akin, lalo ngayong ang mundo ay saklaw na ng internet era, na isang pindot lang ay batid mo na ang mga nangyayari sa kapaligiran.

Dahil tayo nga ay kolumnista, naging ugali na natin ang maghanap ng”news” na ating isusulat.



Kung noon ay kailangan nating lumabas upang maghanap ng balita,ngayo’y napakadali sa social media. isang “click” lang ay may matutunghayan ka ng balita sa mga local government unit ng sari- saring ulat at sa Metro Manila.

Ang isang LGU na paborito kong ‘tingnan ang post ay ang Lungsod ng Caloocan. Kung bakit Caloocan? Ang nakamulatan ko na kaseng subaybayan ay ang mga kaganapan sa lungsod na ito dahil pakiwari ko’y nagbabasa ako ng komiks na ayaw tantanan dahil sa ganda ng kwento.

Mula sa pamunuan ng nakaraang administrasyon ng mga Asistio, Malonzo at Echieverri, ang liderato nila ay aking natutunghayan at nasusubaybayan, hanggang sa kasalukuyang pamunuan ng mga Malapitan.

Kung ikukumpara ang Caloocan noon at sa kasalukuyan, malinaw na bokya ang liderato ng mga Asistio,Malonzo at Echieverri kumpara sa maningning na pamamahala ng mga Malapitan.

No offense pero ito ang katotohanan. Noong panahon ni Asistio,Wala akong matandaan na proyekto para sa kanyang mga kababayan, bagkus nagkaroon ng mga isyu na kalaunan ay nagpabagsak sa kanyang political career.



Pumalit si Malonzo Kay Asistio na ang ‘star wars’ like lighting project sa Edsa,Monumento na inaasahang magpapatingkad ng kanyang imahe ay naging dahilan para sya ay kutyain pa ng taumbayan.

Tulad nina Asistio at Malonzo, walang magandang naging accomplishment si Echieverri na nagkaroon ng impact sa mga taga Caloocan kaya nanatiling napag iwanan ang lungsod na ito ng Maynila.

Pero hindi sa administrasyong Malapitan dahil sa kanyang pamunuan,muling pumaimbulog ang Caloocan dahil sa ibat ibang proyektong nagawa at programang direktang aayuda sa taumbayan. Ang napakagarang bagong Caloocan City Hall ay sapat-sapat na para tawaging magaling na punong lungsod si Malapitan, pero magkaganunpaman ay mapagpakumbaba at hindi nakikitaan ng pagyayabang ang alkade.

Itinayo ni Malapitan ang North at South Caloocan City Universities na ang mga mag aaral at magulang ay tiyak na panghabang panahong magpapasalamat sa butihing alkalde dahil sa ginawa nitong free tuition fees.

Isa pang maituturing na legacy project ni Malapitan ay ang itinayong Caloocan City Hospital sa North Caloocan o bukid area na kung saan makikita ang mataong lugar ng Bagong Silang at Camarin Area.

Ang napakaraming proyekto at program ni Mayor Oca Malapitan ang marahil naging susi niya para makuha ang loob ng mga taga Caloocan kaya dinala siya nang walang pasubali sa tatlong nakaraang election.

Kumpara sa tatlong naging mayor ng lungsod,working public servant kung maituturing si Malapitan kaya patuloy ang pag angat ng Caloocan tungo sa level ng mga maunlad na siyudad tulad ng Makati, Manila at Quezon, City.

Speaking of working public servant itong si Caloocan 1st district Congressman Dale”Along ” Malapitan ay unti unting gumagawa ng pangalan sa mundo ng public service.

Kung si Mayor Oca ay pinupuri dahil sa maayos na pamamahala, nararapat lang din na purihin si Cong. Along dahil magkatandem ang mag ama sa pagsasakatuparan ng mga proyekto sa lungsod, lalo na sa unang distrito.

Congrats nga pala kay Cong. Along,sa pagkatalaga niya bilang head Ng six-man contingent sa House of Representative Electoral Tribunal(HRET) kasama ang tatlo pang justices ng Supreme Court.

Karangalan ito, hindi lamang ni Cong Along kundi ng Caloocan dahil ang HRET head sa kongreso ay pagkilala na naigagawad sa house member na pinagkakatiwalaan ng nakaupong house speaker.

Nasabi kong karangalan ito ng lungsod dahil nakita marahil ni Speaker Lord Allan Velasco ang katangian ng isang HRET head kay Cong Along kung kayat siya ang napiling mamuno sa pag-iimbestiga sa mga election protest sa kongreso.

Sa HRET, kailangang ang lider ay honest at sincere ,patas, hindi bias sa mga desisyon, mga katangiang nakitang angkin marahil ni Speaker Velasco Kay Cong Along sa pagganap ng kanyang tungkulin bilang kongresista.

Muli, Congrats to you Cong Along Malapitan.

***

Para sa komento: Cp # 09293453199 at 09664066144, email: sianing52@gmail.com.