Advertisers

Advertisers

EX-MAYOR KRITIKAL SA AMBUSH!

0 180

Advertisers

NASA kritikal na kalagayan ang dating mayor ng Pagbilao, Quezon matapos pagbabarilin ng riding-in tandem sa Pagbilao.
Kinilala ang biktima na si Romeo Portes, 73, ama ni incumbent Mayor Shiette Ann Portes-Palicpic.
Sa report, 5:00 ng hapon nang maganap ang pamamaril sa JP Rizal St., Brgy Bukal, Pagbilao.
Ayon sa ulat, nakaupo ang biktima sa tapat ng KGP Building nang dumating ang riding in tandem na kapwa nakasuot ng helmet.
Bumaba ang angkas ng motorsiklo na nakasuot ng brown pant, face mask, bull cap, jacket at lumapit sa biktima at pinaputukan sa mukha at katawan at mabilis na bumalik sa naghihintay na kasamahan at tumakas.
Patuloy pa ang imbestigasyon sa krimen.
(Mark Obleada)