Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
NAGING panauhin ang Viva hottie na si Marco Gumabao sa vlog ni Julia Barretto na:”#DrinkAndSpill Episode 1: Drunk Get Ready with Marco Gumabao.”
Sumalang sa make up challenge ang aktor na nilagyan nito ng foundation ang mukha ng aktres habang tinatanong siya ni Julia.
In between sa question and answer, kapwa tumutungga rin silang dalawa ng tequila.
Ikinumpisal ni Marco na noong nag-uumpisa raw siya sa showbiz ay crush niya ang kontrobersyal na actress.
Nagparamdam daw siya sa aktres pero walang naging seryosohan dahil mga bata pa raw sila noon.
Madalas daw kasi silang nagkikita noon, mga 3 times a week dahil iisa ang kanilang handler.
Dahil dito, kaya raw maiiwasang ma-attract siya kay Julia.
“Solid talagang kaibigan si Julia. Minalas siya kasi hindi niya ako sinagot. Dumaan naman ako before sa phase na I liked Julia. Bata pa talaga kami noon, we were like what, 19 siya, 18, tapos ako mga 21 yata,” ani Marco.
Close raw din siya kay Julia dahil kasama siya sa circle of friends nito.
Ibinuking din ni Marco ang mga kababawan ni Julia.
Aniya, tanga raw ito pagdating sa pag-ibig.
May pagkakataon nga raw na panira ito ng trip dahil nang malasing daw ito ay siya pa ang napilitang mag-asikaso rito para maihatid sa bahay.
Aminado naman si Julia na naglasing siya noon dahil broken-hearted siya.
Sa tanong ni Julia kay Marco kung ano ang tipo ng lalakeng gusto niyang makatuluyan ng kaibigan, sey nito, ito raw iyong klaseng mamahalin ang aktres nang buong-buo at yayakapin pati mga kadramahan nito.