Advertisers

Advertisers

Nora at Sen. Bong pinarangalan sa Gawad Amerika Awards

0 368

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

KINILALA sina Superstar Nora Aunor at Sen. Bong Revilla sa ginanap na 19th Gawad Amerika Awards nitong November 21 sa Los Angeles, California.

Ginawaran ang nag-iisang Superstar ng Lifetime Achievement Award in Performing Arts habang si Sen. Bong naman ay pinarangalan ng Lakandula Award.



Dahil pa rin sa COVID-19 pandemic, hindi nakadalo sa awards night ang Kapuso awardees at nagpadala na lamang sila ng video message bilang pasasalamat sa parangal na natanggap.

Mensahe ng Superstar, “Sa lahat ng tagahanga ko d’yan sa Amerika, mga nagmamahal po sa akin, sa lahat ng sumusuporta, ang aking walang katapusang pagmamahal sa inyong lahat d’yan. Mula po sa puso, walang iwanan, love you.”

Puno rin ng pasasalamat ang mensahe ni Sen. Bong, “Isang karangalan po na tanggapin ang parangal na ito. Ang mga ganito pong pagkilala ang nagtutulak sa akin para higit pang magsumikap sa ating sagradong tungkulin sa bayan. Makakaasa po kayo na tulad ng inyong hangarin bilang isang tagapaglingkod sa bayan, patuloy ko pong isusulong ang kapakanan ng ating mga kababayan.”

Samantala, malapit nang muling mapapanood si Nora bilang Cedes sa pagbabalik-telebisyon ng ‘Bilangin ang Bituin sa Langit’ habang bibida naman si Sen. Bong sa upcoming GMA show na ‘Agimat ng Agila.’

***



Carmina Villarroel at John Estrada, may pasilip sa lock-in taping ng ‘Babawiin Ko Ang Lahat’

Sumabak na sa month-long lock-in taping ang cast ng upcoming Kapuso series na ‘Babawiin Ko Ang Lahat’. Kasama rito sina Carmina Villarroel, John Estrada, Tanya Garcia, Pauline Mendoza, Dave Bornea, Kristoffer Martin, Manolo Pedrosa, at Liezel Lopez.

May pasilip naman ang production team sa kanilang lock-in taping sa Batangas na mapapansin ang mahigpit na pagsunod ng lahat sa safety protocols.

Taos-puso rin ang pasasalamat ng batikang aktor na si John sa pag-aalaga ng GMA Network sa lahat ng cast and crew na kabilang sa lock-in taping, “Just wanna thank and praise GMA for putting us in a very comfortable environment for our one-month lock-in. Specially to our staff of “BABAWIIN KO ANG LAHAT” iba kayo guys.”

Dagdag pa niya, “Kudos to you guys. ‘Di po kami tinipid. Importante po sa amin ang comfort at ‘yun po ang binigay n’yo. Salamat nagtatrabaho ka pero parang nasa baksyon ka.”

Kapansin-pansin naman ang agarang closeness ng cast members sa ipinost na photo ni Carmina sa Instagram na pinasalamatan niya ang co-star na si Kristoffer para sa inihandang dinner, “My Babawiin Ko Ang Lahat family. Thank you @kristoffermartin_ for the yummy dinner. Ang saya! Lock-in, Day 5.”

***

Boobay, Tekla, at Boobsie, may hatid na good vibes sa ‘Comedy Night Live’

Ngayong Miyerkules (Nobyembre 25), bubuhos ang katatawanan sa new offering ng GMA Entertainment Group comedy channel na ‘YouLOL’ – ang Comedy Night Live!

Tiyak na good vibes ang hatid ng tatlong mahuhusay na komedyante na sina Boobay, Tekla, at Boobsie sa pilot episode ng Comedy Night Live. Tutukan ang kanilang pasabog na performances at nakakaaliw na skits na paniguradong bentang-benta sa audience.

Bukod pa riyan, parang nasa comedy bar talaga ang viewers dahil may chance rin ang netizens na mag-request ng kanta at maka-interact ang Kapuso comedians sa live comments section.

Abangan ang ‘Comedy Night Live’ ngayong Miyerkules ng gabi, 9PM, sa official YouLOL YouTube channel.