Advertisers

Advertisers

Strikeforce ng DoJ Task Force Againts Corruption handa na sa mga reklamo vs gov’t agencies

0 192

Advertisers

HANDA nang imbestigahan ng strikeforce ng Department of Justice (DoJ) Task Force Against Corruption ang mga reklamo laban sa mga government agencies.
Binigyan-diin ni Justice Sec. Menardo Guevarra, gusto nilang isang maayos na mekanismo at sistema upang hindi raw bara-bara ang isasagawang imbestigasyon.
Sa ngayon ay tinatapos pa ng task force ang mga panuntunan sa pag-iimbestiga nila sa mga corrupt na ahensiya ng pamahalaan.
Una nang sinabi ng DoJ na karamihan sa mga inireklamo sa DoJ ay mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH).
Patuloy pa rin ang panawagan ng DoJ sa ating mga kababayan na kapag mayroon silang alam na katiwalian ay agad silang dumulog sa kagawaran.
Ang imbestigasyon na isasagawa ng DoJ ay kasunod na rin ng direktiba ng Pangulong Rodrigo Duterte na imbestigahan ang mga corrupt na ahensiya ng pamahalaan maging ang mga opisyal nito. (Josephine Patricio)