Advertisers

Advertisers

Tonz Are sumabak na sa pelikulang LGBT ang tema via ‘Escort Duty’

0 606

Advertisers

Ni NONIE V. NICASIO

ISA sa most daring at challenging na pelikula ng multi-awarded indie actor na si Tonz Are ang Escort Duty. Ang naturang pelikula ay isa sa finalists sa Gawad Sining Short Film Festival.

Tampok din dito si Anghelo Hulip at ito’y sa panulat at sa pamamahala ni Direk Gimson Alemania. Ang pelikula ay under ng AEE Film Production.



Saad ni Tonz, “About sa movie naming Escort Duty, ang kuwento ng aming pelikula ay tungkol sa dalawang tao na ang character ay si teacher John na ako po iyon,  at si Sgt. Red naman po na ginampanan ni Angelo Hulip, siya ay isa ring Indie film actor.

“Si John ay isang volunteer teacher sa isang bulubunduking lugar na maraming kabataan na kapuspalad and si Sgt. Red naman ang escort na umaalalay sa aming mga teacher sa kabundukan. Hanggang sa ang dalawang character na ito ay naging mabuting magkaibigan.

“Abangan nila itong aming pelikula dahil kakaiba ito sa mga napanood nila dahil malalim ang pelikulang ito, maraming lesson at kapupulutan ng aral talaga.”

Dagdag na pahabol pa ni Tonz, “Mapapanood na po ang aming official trailer sa Youtube sa Gawad Sining Short Film Festival and mapapanood nila ang full movie namin this coming Nov. 27 na po, sa Youtube din and awards night on Dec. 4.”

Ayon kay Tonz, LGBT ang tema nito at may kissing scene siya rito sa kapwa niya lalaki, na first time niyang ginawa.



“Iyong concept kasi ng festival is LGBT po… noong bago kami isalang to be honest, nangatog po ako. Sabi ko nga sa kapartner ko alalayan ako, kasi first film ko iyon na may kissing scene.

“Ganoon din po kina direk Gimson, thankful ako sa kanila pati kina direk Alfred and tito Darwin, talagang inalalayan nila ako sa set.”

Aniya pa, “Talagang in character na ako sa set, sabi ko kaya ko ito, hindi na ako si Tonz, ako na si teacher John… kaya nagawa ko naman nang mabuti ang hinihingi ng character ni teacher John.”

Si Alfred ‘Pido’ Marquez ang assistant director ng Escort Duty, samantalang si Mr. Darwin Avila naman ang executive producer nito. Kasama rin sa cast ng pelikula si Azhyl Melezandre Lequin, at marami pang ibang talents ng AEE Film Production.

Ang ilan pa sa pelikulang dapat abangan kay Tonz ay ang Init, Kid Kamao, Balud, at marami pang iba.