Advertisers
Ni BKC
LOOKING forward na si Alice Dixson sa kaniyang role bilang isang Muslim sa upcoming Kapuso series na ‘Legal Wives.’
Kuwento ng aktres, bukod sa kanyang paninirahan sa Dubai at Qatar ng ilang taon, marami pa rin siyang natututunan sa kultura ng mga Muslim bilang paghahanda sa kanyang karakter na si Almirah Macadato.
Aniya, “Now that dumating itong pagkakataon na I can learn more about their culture, it’s quite fascinating actually.”
“Ang ganda ng pagkasulat. Kumbaga it doesn’t matter what religion you are. It all boils down to your family, the values that you have. ‘Yun bang the love that you share,” dagdag pa niya.
Ito rin ang unang pagkakataon na makakatrabaho ni Alice sina Dennis Trillo, Andrea Torres, Bianca Umali at Cherie Gil.
***
Kate Valdez may advice sa mga kabataang nag-aadjust sa new normal
Sa kanyang exclusive interview sa GMANetwork.com, ibinahagi ng Kapuso actress na si Kate Valdez na ramdam din niya ang hirap na dala ng new normal kaya naman may payo siya para sa mga kabataang nahihirapan sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay Kate, “I just want you to let you know na kahit may nangyayari ngayon, huwag tayo mawalan ng pag-asa. Puwede pa rin ninyong gawin ang nagpapasaya sa inyo, but kailangang doble ingat.
“Kailangan nating mas maging malinis sa sarili at sa paligid para safe tayo. And makinig kina mommy and daddy. And also don’t forget to pray.”
Natapos na ang aktres sa kanyang lock-in taping para sa primetime series na ‘Anak ni Waray vs. Anak ni Biday’ na magbabalik na sa GMA Telebabad. Mapapanood din si Kate sa ‘Witch is Which’ episode ng Daig Kayo Ng Lola Ko ngayong Linggo bilang si Jasmine, pagkatapos ng 24 Oras Weekend.
***
Mark Herras kumasa sa “My Boyfriend Does My Makeup” challenge ni Nicole
Aliw ang fans at netizens sa latest vlog ng Kapuso couple na sina Mark Herras at Nicole Donesa sa kanilang YouTube channel. Mapapanood dito ang pagsabak ni Mark sa “My Boyfriend Does My Makeup.”
Sey ni Nicole, nagmistulang “raccoon” daw ang kanyang itsura matapos siyang makeup-an ni Mark. Tuwang-tuwa naman ang viewers sa cute na bonding moment ng soon-to-be parents. Nakatakdang manganak si Nicole sa darating na January sa kanilang firstborn na si Baby Corky.
May message rin silang dalawa para sa mga nasalanta ng Typhoon Ulysses, “I hope you guys are recovering fast. Sa mga kapwa nating Pilipino, sana’y nakakabangon na po kayo.”