Advertisers

Advertisers

EEI Corporation kasuhan, Ramon Ang sa harap ng pagkakamali!

0 527

Advertisers

PATULOY ang panawagan para sa hustisya ng mga biktima at pamilya ng nasawi at napinsala sa naganap na aksidente sa Skyway Extension Project sa Muntinlupa City noong Nobyembre 21, 2020.

Kung tutuusin hindi lamang ang namatayan, malubhang nasaktan at nawasak ang mga ari-arian sa naganap na trahedya ang dapat manawagan ng hustisya, kundi maging ang mga mamamayang Pinoy sa kabuuan.

Sa halip na matapos at pakinabangan ng mga motorista ang Skyway Project Extension simula sa hahaliling buwan ay iiurong hanggang sa Pebrero 2021 ang pagbubukas ng Skyway Extension dahil nga sa naganap na aksidente.



Ang pag-amin naman ni San Miguel Corporation (SMC) President and COO, Ramon Ang at paghingi nito ng paumanhin sa mga biktima ay hindi nangangahulugan na mag-aalis na ng pananagutan sa ilang SMC top brasses sa kasong kriminal at sibil.

Sabit pa rin ang SMC bilang project owner, ang project main contractor na EEI Corporation at iba pang may direktang partisipasyon sa Php 10-billion Skyway Extension project na sumasaklaw mula sa Susana Height Muntinlupa City hanggang Sucat, Paranaque City.

Hinahangaan natin ang business technocrat na si Ang sa pagiging ganap na maginoo nito na harapin ang reponsibilidad sa kabila ng kaakibat nitong obligasyon sa mga biktima.

Kabaligtaran sa ginawa ni Ang, ang panig ng management ng EEI Corporation ay patuloy sa kanilang pananahimik. Ang pananahimik ng concerned officials ng EEI Corp.,ay indikasyong tinatanggap din naman ng mga ito ang kanilang pagkakamali?

Hindi na tayo magtataka, kung katulad din ang maging pustora ng naturang engineering and construction firm nang magkaroon ng alingasngas noong buwan ng Oktubre 2020 sa bayan ng Bauan, Batangas. Nanatiling tahimik ang EEI Corp.management sa isyu ng paglabag ng ilang tauhan at opisyales nito kaugnay sa pagkakapaghawahan ng kanilang mga empleyado sa nakamamatay na COVID 19 sa kanillang fabrication yard sa naturang munisipalidad.



Walang pag-amin sa responibilidad, walang paghingi ng paumanhin sa kabila ng kumpirmasyon ng pagkukulang at kapabayaan ng ilang tauhan ng EEI Corporation Safety, Health, Environment and Security department na nasa ilalim ng pamumuno ni AVP Michael D . Arguellles.

Inilihim ng mga tauhan ni Arguellles sa Bauan LGUs, Local COVID 19 Task Force at sa pulisya ng naturang munisipalidad ang pagkakaroon ng mga empleyadong COVID 19 positive sa loob ng EEI Fabrication Yard. Hindi karakang naaksyunan ng pamahalaan ang paglaganap ng nakamamatay na virus sa nasabing kompanya pagkat inilihim ng ilang mga opisyales ng EEI Corp.,ang paglaganap doon ng nasabing virus.

Resulta nito, ay umabot sa hanggang 62 empleyado ng EEI Corp., ang nahawahan ng nakamamatay na COVID 19.

Ayon sa Bauan LGU at pulisya kakasuhan ng mga ito ang ilang safety officers at ilan ding responsableng opisyales ng EEI Corp. sa paglabag sa health protocols at Violation of Bayanihan to Heal is as one Act.

Bilang pinuno ng EEI Corporation Safety, Health, Environment and Security department ay dapat sabit din si Arguelles sa ilalim ng doktrina ng Command Responsibilty.

Ang hindi natin nasundan ay kung nasampahan nga kaya ng asunto sina Arguelles at ang mga tauhan nito o dili kaya ay nagkaroon ng magandang pag-uusap at cash-unduan?

Sa usapin naman sa aksidente sa Skyway Project, hindi lamang ang crane operator, kundi maging project owner, main contractor, safety officers at iba pa ay tinukoy na may pananagutang criminal negligent na nagresulta sa malagim na sakuna.

Kung sabit ang safety supervisor at safety officers sa working site ng Skyway Project, dapat lamang na managot din ang kanilang pinuno. Kaya hindi maitatatwa na dapat na kasuhan din sina Arguelles at ang iba pang opisyales ng EEI Corp.batay sa command responsibility doctrine.

Sa kabila ng kumpirmasyon ni Department of Labor and Employment (DOLE) Occupational Safety and Health Center Executive Director Noel Binag na ang may-ari ng proyekto, main contractor, at sub-contractor ay pawang may pananagutan sa ilalim ng Occupational Safety and Health Act, sa malagim na trahedya, ay nanatiling tikom pa din ang bibig ng management ng EEI Corp. management, walang pag-amin sa panig ng mga ito, hindi rin humingi ng paumanhin at di rin sila umako sa obligasyon at reponsibilidad.

Hindi naging ganap na isang maginoong lalaki sina Arguelles at ang iba pa sa EEI Corporation para harapin ng may dangal ang kanilang pagkakamali.

Si Ang ang halimbawa ng isang opisyal na marangal at may paninindigan, handang harapin ang pagkakamali sa harap ng mabigat na obligasyon ng SMC sa mga biktima at sa sambayanang Pilipino.

Bagamat may dugong Intsik si Ang, ay maka-Filipino, sa isip at sa gawa…

***

Para sa komento: Cp # 09293453199 at 09664066144, email: sianing52@gmail.com.