Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
MARAMI ang napasakay ni Ethel Booba sa kanyang bagong pasabog sa Youtube channel.
Nagpakita kasi ang komedyana ng isang resort na umano’y kanyang naipundar dahil sa kanyang pagvlo-vlog.
Sa huli, nabuking na panggugudtaym lamang ni Ethel ang idinispley niyang yaman.
Gayunpaman, ito ay biro lamang at marami sa mga netizen ang natawa dahil napaniwala silang pagmamay-ari ni Ethel ang resort.
Kagaya ng ibang artista, pinasok na rin ni Ethel ang paggawa ng YouTube videos at umabot na sa mahigit kalahating milyon ang kanyang subscribers
Marami ang napaniwala sa ‘katas ng YouTube’ vlog ang ibinahagi ni Ethel Booba.
Inilibot niya ang kanyang viewers sa isang resort habang nagbabahagi ng mga detalye tungkol dito. Kasama niya sa nasabing vlog ang kanyang partner na si Jessie Salazar.
Sa kanyang tour ng resort, marami siyang napasakay sa kanyang gimik.
Ito ang reaksyon ng ilang netizens sa kanyang ginawang panggugudtaym.
“Hahaha, bilib pa naman ako sa simula, akala ko totoong katas ng YouTube at napundar ni Ethel ! joke pala.”
“Paniwalang-paniwala ako! Na -victim mo ako Miss Ethel but in fairness naaliw ako, lakas mka GV!”
“Naloko ako uli, pangalawa na to! Yung dati house tour mo din, yun pala sa isang model unit sa mall. But in all fairness, napakalayo ng Ethel Booba sa Ethel ngayon, as in 360% change. I salute you now for being a wonderful mother and responsible wife. God really works and molded you to what you have become now. God bless you and your family. Kisses to your pretty Mikaela.”
Si Ethel Gabison o Ethel Booba ay kilalang komedyante at singer. Siya ang tinanghal na kauna-unahang kampeon ng Tawag ng Tanghalan: Celebrity Edition ng It’s Showtime na naging kontrobersyal noon.