Advertisers

Advertisers

Bagong style ng prostitusyon sa Malaysia andito na?

0 231

Advertisers

Sa labis ng kawalan dulot ng pandemiya dahil sa virus na COVID-19, napagbalingan ng ilan nating mga kababayan karamihan sa kanil ay mga kababaihan na sumali sa “dating app” o “social media dating application” na tinatawag na ‘Sugarbook’.

Ang Sugarbook ay parang Facebook din, kung saan maaring makipag-kaibigan sa sinoman lalong lalo na ang mga nagnanais may makasama sa buhay o kahit na yun mga naghahanap ng maii-date, kaya ang progrma nito ay kung tawagin ay ‘dating app.’

Nagsimula ito noon pang 2017 sa bansang Malaysia kung kumikita rin ito dahil sa paniningil ng sinumang gustong sumali sa pamamagitan ng registration o membership fee. Nakagiliwan naman ng ating mga kababaihan ang pagsali dito lalo na ang mga dating nagtratrabaho sa mga entertainment industry gaya ng mga night clubs at escort services.



Dahil sa Sugarbook app, ang mga nagkakakilalang babae ay binabansagang sugarbaby at ang mga kalalakihan naman na may kakayahan sa buhay ay tinatawag na sugardaddy.

At alam niyo ba sa isang interview ng ABS–CBN News sa founder nito na si Daren Chan ang mga Filipinang sugarbaby ay nakakatanggap ng average na kita o pera ng P49,700 kada buwan. Hindi ba mas malaki pa sa kita ng mga babaeng dating nagtratrabaho sa mga nightclub ang perang yan.

At sa pag–depensa ni Chan, ang mga sugarbaby ay kalimitan pang walang ginagawa kundi makipag-usap lamang sa kanilang mga sugardaddy sa pamamagitan ng video chat, samantalang ang iba naman ay talagang dinadayo pa ng mga sugardaddy mula Europe, America, Middle East atbp.

Pero sinong maniniwala na sa pag-uusap lamang eh kumikita na ang ating mga kababayang Filipina na nag-miyembro na sa Sugarbook? Hindi na naman tayo mamang kung sasabihin nating walang nangyayaring pananamantala o kaya’y walang kapalit ang mga perang ibinibigay ng mga sugardaddy sa kanilang Pinay na mga sugarbabies.

Lalo na’t ayon sa datus ng Sugarbook ang mga sugarbabies nito ay nagi-edad 18 hanggang 34 mga Pinay, 46% dito ay mga estudyante, 15% ang galing sa entertainment industry at 10% sa hospitality industry o mga nightclubs at escort services. Kasi nga ay dahil sa mga iba’t ibang quarantine nating naranasan magpa-hanggang ngayon. Kasama na rin sa dahilan na yan ang pagkakawalan ng trabaho.



Ngunit binibgyan diin ng founder nito na ang mga sugarbabies ay di dapat isiping mga sex workers. Dahil wala daw sapilitang nangyayari sa mga ito sa kanilang pakikipag-kaibigan sa mga mayayamang sugardaddy at may laya silang pumili at di kinakailangang ipagbili nila ang kanilang mga katawan.

Para namang di kapaniniwala ito. Marahil ay kailangan nang sipatin ito ng ating National Bureau of Investigaton (NBI) o Philippine Nationa Police (PNP) na may mga cybercrime units. Kasi naman imposible ang pinagsasabi ng founder ng Sugarbook. Sa anumang palitan ng salapi, mayroon siyempreng katumbas ang ibinigay na pera sa kahit sinuman.

Imposibleng sumasali lamang dito ang ating mga Pinay para makipagkaibigan lamang. Baka sa huli ay may mabalitaan na tayong napagsamntalahan at napaslang sa pakikipagkita o pakikipagrelasyon sa pamamagitan ng Sugarbook.

Huwag naman sana.