Advertisers

Advertisers

Hiro Nichiuchi lumabas ang pagka-aktres sa ‘Kintsugi’

0 281

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

MATAGAL na naming gustong pumunta sa Japan at lalong sumidhi ang pagnanais namin na marating ang naturang Asian country matapos naming mapanood ang Kintsugi na isa sa mga pelikulang tampok sa Pista Ng Pelikulang Pilipino 2020 ng Film Development Council Of The Philippines ni Chairwoman Liza Diño-Seguerra.

Tampok sa Kintsugi sina JC Santos at ang former Miss Universe-Japan at model/actress na si Hiro Nichiuchi.



Kuwento ang Kintsugi ng dalawang taong nagtagpo at nagmahalan sa tamang lugar nguni’t sa maling panahon at sitwasyon.

Wala na namang duda sa husay ni JC bilang aktor, pero nagulat kami kay Hiro.

Ilang beses na namin siyang nakilala at nakausap, ang tingin namin sa kanya ay isang magandang beauty queen at modelo.

Pero sa Kintsugi ay ipinakita niyang isa siyang aktres!

Hindi siya glamourized sa pelikula, although anak ng isang successful pottery factory owner ang papel niya. Ang Kintsugi nga pala ay nangangahulugan ng pag-aayos ng isang pigurin o pottery na nabasag gamit ang lacquer, ginto, silver o platinum.



Ayon pa sa Wikipesida, ang Kintsugi “is the Japanese art of repairing broken pottery by mending the areas of breakage with lacquer dusted or mixed with powdered gold, silver, or platinum, a method similar to the maki-e technique.”

Subtle, natural at simple ang atake nina Hiro at JC sa kanilang papel, hindi over-acting at tama lamang ang timpla.

Para nga silang hindi umaarte sa mga eksena nila sa pelikula.

Isa pang hinangaan namin sa pelikula ay ang cinematography nito; na-capture na mabuti ang ganda ng Saga sa Japan, hindi lamang ang mga building at mga establisimiyento (tulad ng pottery factory doon), kundi maging ang mga bundok at spring o bukal na anumang oras ay nanaisin mo talagang mapuntahan.

Maayos ang direksyon ni Lawrece Fajardo sa kanyang mga artista at pelikula kaya naman hindi nakapagsisising panoorin ang Kintsugi. Kaya hindi katakataka na isa ang legendary director na si Brillante Mendoza sa mga producer ng pelikula.

Maaari pang mapanood ang Kintsugi sa FDCP channel sa November 28, Sabado, 4pm at sa December 4 and 7, @ 8 pm.

***

SA kanyang exclusive interview sa GMANetwork.com, ibinahagi ng Kapuso actress na si Kate Valdez na ramdam din niya ang hirap na dala ng new normal kaya naman may payo siya para sa mga kabataang nahihirapan sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Kate, “I just want you to let you know na kahit may nangyayari ngayon, huwag tayo mawalan ng pag-asa. Puwede pa rin ninyong gawin ang nagpapasaya sa inyo, but kailangang doble ingat. Kailangan natin mas maging malinis sa sarili at sa paligid para safe tayo. And makinig kina mommy and daddy. And also don’t forget to pray.”

Natapos na ang aktres sa kanyang lock-in taping para sa primetime series na ‘Anak ni Waray vs. Anak ni Biday’ na magbabalik na sa GMA Telebabad. Mapapanood din si Kate sa ‘Witch is Which’ episode ng Daig Kayo Ng Lola Ko ngayong Linggo bilang si Jasmine, pagkatapos ng 24 Oras Weekend.

***

MELlennials! Panibagong episode na naman ang matutunghayan natin sa Magpakailanman o #MPK sa GMA!

Abangan si Andrea Torres bilang si Arlene ngayong Sabado sa panibagong episode ng Magpakailanman.

Sa episode na pinamagatang Mister, Bugbog Kay Misis ay tampok din si Juancho Trivino bilang si Mark na isang battered husband kaya ang hashtag ng naturang episode ay #AndreaJuanchoOnMPK.

At kamakailan ay nakipag-bonding ang stars ng upcoming episode ng #MPK na sina Juancho at Andrea sa members ng Kapuso Brigade. Maliban sa masayang kuwentuhan, nag-promote rin sila ng episode na ‘Mister, Bugbog Kay Misis’ na mapapanood nga ngayong Sabado, hosted by Ms. Mel Tiangco.