Advertisers
ISANG karangalan para kay Mayora Beverly Rose Dimacuha, lalo na sa mga residente ng Batangas City ang mahirang ang lungsod bilang “World Most Lovable City” sa taong 2020.
Dahil sa panalong ito, mailuluklok ang lungsod sa kasaysayan ng mundo gaya ng iilang lungsod sa labas ng Pilipinas na naunang kinilala sa naturang patimpalak.
Hindi biro ang magwagi sa katulad ng award na natanggap na ito ng Batangas City, kaya kung may dapat unang purihin,itoy walang iba kundi si Mayora Beverly katuwang ang kanyang kabiyak na pangunahing tagasuporta at kapwa lingkod-bayan, si 5th Distict Rep. Marvey Marño.
Bibihira ang mga siyudad o bayan na nakakatanggap ng International award pero ang lungsod ay recipient na nito. Ito’y dahil magaling na City Executive si Mayora.
Naalala ko tuloy ang ama ni Mayora Beverly na si Eduardo “Eddie” Dimacuha na nagsilbi ng may mahigit sa dalawang dekada bilang ama ng Batangas City.
Yun nga lamang retirado na pala sa pulitika si Mayor Eddie, ang itinuturing na arkitekto ng ngayo’y tinatamasa ng siyudad ng Batangas bilang pinakamaunlad na lugar sa lalawigan.
Bilang beteranong mamamahayag ,naging saksi ang inyong lingkod sa matagal na panunungkulan ni Mayor Eddie na ni minsan ay hindi natalo sa eleksyon dahil minahal ng mga Batangueño.
Kung babalikan ang kahapon,masasabi kong malayo na nga ang narating ng lungsod dahil sa ipinagbago nito na sa wari mo’y isang pangkaraniwang munisipalidad, hanggang naging 1st class city ito.
Ang dating kalsada na mga kalesa lamang ang nakadadaan, ngayo’y mala- expressway na at ibat ibang uri ng maliliit at malalaking mga sasakyan ang naglalakbay..
Sa panahon ni Mayor Eddie,nagsulputan ang ibat ibang proyekto na tinatamasa ngayon ng mga Batangueño tulad ng unibersidad at mga eskwelahan, ospital, health centers, supermarket, malls, power plants, at iba pa.
Ang alternate Port of Manila na Batangas City Pier Phase 2 na naging daungan ng mga lokal at pangdaigdigang pribado at pangkomersyong sasakyang-pangdagat ay nagbukas din ng malaking oportunidad para makilala ang Batangas City bilang isa sa may pinaka-moderno at ligtas na daungan sa daigdig.
Ang mga establisyemento ng mga negosyo ay matatagpuan kahit saan sa lungsod, senyales na napakalaki ng iniangat na ng Batangas City sa rurok ng tagumpay mula sa mababa nitong estado.
Dumating na ang panahon na kailangan nang magpahinga ni Mayor Eddie sa panunungkulan, pero hindi ang patuloy na sinimulan nitong pagpapayabong ng lungsod, dahil dumating ang isa pang magaling na lider sa katauhan ng kanyang anak na si Beverly.
Tulad ni Mayor Eddie,magaling at maaasahan na pinuno si Mayora Beverly na siyang nagpapatuloy at nagpapalago sa sinimulan ng tatay na si Mayor Eddie.
Like father,like daughter kung ituring ang mag- amang ito, basta serbisyo publiko ang pag uusapan.
Kung ano ang istilo ni Mayor Eddie ay kuhang- kuha ni Mayora Beverly. Ang isa pang napapansin natin kay Mayora Beverly ay ang kanyang pagiging “visible always” sa mga nasasakupan at pagiging hands on nito sa publiko.
Lalo ngayong pandemya ,si Mayora ay nakikitang umiikot sa buong lungsod ,personal na namimigay ng ayuda at inaalam ang kalagayan ng mga kababayan.
Hindi naman kumpleto ang Team Dimacuha kung wala ang kaagapay ni Mayora, na siya ring simulat’-sapul ay pinagkakatiwalaang administrador at kanang kamay ni Mayor Eddie, si Edilberto Perez.
Tanyag sa katawagang “Kuya Idel”, siya din ang paboritong sanggunian ng halos lahat na opisyales sa 105 na barangay ng lungsod.
Nagsisilbing ding tagapayo ni Mayora si “Kuya Idel” at tagapag-ugnay sa taong nangangailangang ng tulong ng pamahalaang lungsod.
***
Para sa komento: Cp # 09293453199 at 09664066144, email: sianing52@gmail.com.