Advertisers
Ni PETER S. LEDESMA
LAST 2018, kabilang sa naging entries sa Metro Manila Film Festival ang “Mary Marry Me” na pinagbidahan ng sisters na sina Toni at Alex Gonzaga plus Sam Mibly na produced ng pamilya Gonzaga under their movie outfit TINCAN at TEN 17P na pag-aari naman ni Direk Paul Soriano na hubby ni Toni.
Kumita ng P80 million sa takilya ang Mary Marry Me kaya parehong inspired at excited ang magkapatid na sumali uli sa MMFF.
Pero this year, kahit na nakapasok sa said festival ang kanilang movie na “The Exorcism of My Siszums” ay ipinagliban na muna nila ang paggawa nito dahil sa hindi pa rin tapos ang Covid-19 pandemic at mahirap na nga naman at baka may magkasakit pa tulad ni Alex at parents na sina Mommy Pinty at Daddy Carlito na mga nabiktima ng sakit na ito.
Aanuhin nga naman ‘yung kita ng pelikula kung delikado naman ang kalusugan. Samantala, birthday pala ng famous na rin sa social media na si Mommy Pinty at kasama ng buong family ay sa sikat at very expensive na resort sa Palawan na Amanpulo siya nag-celebrate.
Yes, kahit may trabaho si Alex ay iniwan niya muna ito para sa kanyang one and only mother dear Pinty. Buong puso palang nagpasalamat si Alex sa lahat ng kanyang viewers at over 9 million na ang subscribers sa kanyang Youtube Channel.
***
Movie Director-Vlogger Direk Reyno Oposa, Araw-Araw Na Ang Live Streaming Sa Youtube Channel
Nakita na ng film director and producer na si Direk Reyo Oposa kung ano ang naka-store for him.
Yes, aside sa pagiging director at producer ng ilang indie films ay successful si Direk Reyno sa paggawa ng music videos at marami na siyang nagawa na natutulungan niya ang mga new rapper and singers na hindi napapansin ng ABS-CBN at GMA.
At dito rin lumaki ang Youtube channel ni Direk Reyno na road to 6K subscribers na kasi ipinalalabas niya ang lahat ng produced at dinirek na music videos like ang unang pumatok na “INSPIRADO” na kinanta ni Ibayo Rap Smith. Para higit pang makilala ang kanyang YT channel ay araw-araw na ninyong mapapanood ang kaibigan naming director sa kanyang Live Streaming na pataas ang views.
In all fairness, napaka-pleasant panoorin ni Oposa at binibigyan talaga nito ng halaga at pansin ang mga ka-live chat mula umpisa hanggang sa matapos ang kanyang Vlog.
Saka marami kang aral at inspirasyon na mapululot sa said Vlog nito. By the way, napaka supportive rin ni Direk Reyno sa aming Vlog na “Chika Mo, Vlog Kabog” under our PPA Entertainment Network, na hindi lang niya pinanonood kundi nangunguna sa pagbibigay ayuda sa amin sa tinatawag na Super Chat.
***
Maraming Dabarkads Ang Nakikisayaw Sa Social DisDancing Ng Eat Bulaga
Eversince, once na may dance segment sa Eat Bulaga ay hit agad ito sa mga dabarkads sa buong bansa. At Team Pinas at Team Abroad, pwedeng-pwede ka sa Social DisDancing kaya rehearse, Dance and Post nyo na ang dance challenge para sa araw na ito inyong pinanonood. Huwag kalimutan na i-tag ito sa social media accounts ng Eat Bulaga sa Facebook, Instagram, o TikTok kasama ang hashtag na #EBSocialDisDancing. Upload your dance cover at ilagay sa caption ang inyong names (2 or more disdancers) at location. IG: eatbulaga1979 TikTok: ebdabarkads.
Ating samahan sina Dabarkads Alden Richards, Maine Mendoza, Paolo Ballesteros at Jose Manalo at maki-DisDancing tayo sa kanila kasama ng kasaling grupo.