Advertisers
MINASAKER ng Gilas Pilipinas ang Thailand 93-61 para sa 2021 FIBA Asia Cup qualifiers na ginanap sa Bahrain.
Sa unang quarter ay tila nag-aadjust pa ang mga manlalaro ng bansa sa Khalifa Sports City sa Manama, Bahrain.
Pagpasok ng ikalawang quater ay nakuha na ng Gilas ang kanilang momentum sa pamamagitan ng kanilang head coach na si Jong Uichico.
Bumida sa panalo ng Gilas si Dwight Ramos na nagtala ng 20 points habang mayroong tig-12 points sina Juan Gomez de Liano at Justine Baltazar.
Mula pa sa simula ng laro ay hindi na pinayagan ng Gilas na makalamang pa ang Thailand.
Pumalo pa sa 36 points ang naging kalamangan ng Gilas.
Dahil sa panalo ay tabla na ang Gilas sa South Korea sa Group A na mayroong dalawang panalo at walang talo.
Unang nanalo ang Gilas noong Pebrero na tambakan nila ng 30 points 100-70 ang Indonesia bago tuluyang masuspendi ang mga laro dahil sa COVID-19 pandemic.
Juan Gomez De Liano at Dwight Ramos umiskor ng 20 at 12 points ayon sa pagkakasunod laban sa Thailand.