“INIT SA MAGDAMAG,” BAGONG “MMK” EPISODES, AT GOLD SQUAD SHOW, MAPAPANOOD SA ABS-CBN PLATFORMS AT A2Z CHANNEL
Advertisers
MGA bagong teleseryeng “Init sa Magdamag” at “Huwag Kang Mangamba” pati bagong episodes ng “MMK” ang pinakabagong handog ng ABS-CBN sa patuloy nitong pagbibigay ng saya at inspirasyon sa mga Pilipino sa iba’t ibang platforms sa telebisyon at online.
Bibida sa “Init sa Magdamag” sina Gerald Anderson, JM de Guzman, at Yam Concepcion samantalang isa naman ang “Huwag Kang Mangamba” sa marami pang ihahandang sorpresa ng The Gold Squad nina Andrea Brillantes, Francine Diaz, Seth Fedelin, at Kyle Echarri.
Makaka-relate din ang mga manonood sa bagong episodes ng “MMK” tampok ang mga kwento ng pag-asa at pagbangon sa panahon ng krisis na pagbibidahan nina Sylvia Sanchez, Arjo Atayde, Jane de Leon, Angel Aquino, at Joshua Garcia.
Mapapanood ang mga ito sa iba’t ibang platforms gaya ng cable at satellite sa Kapamilya Channel, sa free at digital TV sa A2Z channel, Kapamilya Online Live sa Facebook at YouTube, sa iWantTFC streaming service, at sa iba’t ibang bansa sa The Filipino Channel. (Showbiznewsteam)