Advertisers

Advertisers

Jillian Ward overwhelmed sa mabilis na pagtaas ng socmed followers

0 358

Advertisers

Ni JOE CEZAR  

HINDI raw inasahan ng Prima Donnas star na si Jillian Ward ang mabilis na pagdami ng kaniyang social media followers. May mahigit 6 million followers na siya sa kanyang official Facebook page, 2 million sa Instagram, at higit 500,000 sa TikTok.

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com, ibinahagi ng teen actress ang kaniyang tuwa sa mga walang sawang sumusubaybay sa kaniyang career, “Ine-expect ko lang po is lagi kong gagalingan pero hindi ko po ine-expect ‘yung gaano po kadami ‘yung followers na mage-gain ko, or ano po ‘yung magiging ratings po namin.”



Pinagpapasalamat din daw niya ang lahat ng nakukuhang blessings lalo na ngayong may pandemic. “Kumbaga, lahat ‘to, parang surprises po ni God. Laging hindi po ako prepared sa mga binibigay niyang super big blessing sa amin so lagi po akong nagugulat.”

Samantala, napapanood mula Lunes hanggang Biyernes si Jillian sa fresh episodes ng afternoon serye na Prima Donnas, kung saan kasama niya sina Althea Ablan at Elijah Alejo.

 ***

Alden makakasama rin sina Rodjun at Rayver sa Alden’s Reality 

Special guest ni Alden Richards sa kauna-unahang virtual reality concert sa bansa na ‘Alden’s Reality’ ang celebrity brothers at Kapuso performers na sina Rodjun at Rayver Cruz.



Sa darating na December 8, ise-celebrate ng Asia’s Multimedia Star ang kaniyang ika-10 na anibersaryo sa showbiz sa pamamagitan ng concert na ito. Bukod sa mga inihanda niyang world-class performance numbers, kasama rin niyang magpapakitang-gilas ang OPM band na December Avenue at magkapatid na Rodjun at Rayver.

Siguradong jampacked sa saya at kilig ang once-in-a-lifetime event na ito!

Ang mga bumili ng VIP tickets na narito sa Pilipinas ay makakatanggap ng limited edition VR device na magagamit nila para sa mas pinagandang viewing experience. Balita namin, sold out na ang VIP tickets para sa 11 PM slot!  Kaya naman sa mga hindi pa nakakabili ng tickets, bisitahin na ang http://www.gmanetwork.com/synergy bago pa maubusan.

***

Pops Fernandez, ipakikilala ang fur babies sa ‘Sarap, ‘Di Ba?’

Ngayong Sabado (Nobyembre 28), ibibida ni Concert Queen and Centerstage guest judge Pops Fernandez at ng Legaspi family ang kanilang fur babies sa ‘Sarap, ‘Di Ba?’.

Kilalanin ang cute na cute na mga alaga nina Carmina Villarroel, Casy, Mavy, at Zoren Legaspi. Pati na rin ang pride and joy ni Pops – ang kanyang fur babies na sina Khaleesi at Czarina.

Ibabahagi rin ng Kapuso singer ang isa pa niyang source of happiness, ang kanyang mini home garden at plant collection.

Para naman sa foodies, may inihandang pre-Christmas treat sina Pops at ang anak niyang si Ram na isang nakakatakam na burger.

 

Mag-relax ngayong weekend at abangan ang isa na namang masayang episode kasama ang Legaspi family sa ‘Sarap, ‘Di Ba?’ ngayong Sabado, 10AM, sa GMA-7.