Advertisers

Advertisers

Maris pinagpalit si Iñigo kay Kokoy

0 225

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

USAP-usapan noon ang paghihiwalay ng love team nina Maris Racal at Iñigo Pascual.

Katunayan, marami nga ang nanghinayang sa kanilang tandem, lalo na ang Marnigo fans,  na buong akala ay ang mga idol nila ang magkakatuluyan sa buhay.



Sa hanash pa noong tila pinaasa lang ng anak ni Papa P ang morenang aktres na nang lumaon ay nilinaw naman ng huli na never daw silang nagkaroon ng relasyon ng una.

Pagkatapos ng “I’m Ellenya L.,” muling magkasama ang dalawa sa isang Star Cinema movie.

Ayon kay Maris, hindi na raw siya nahirapan sa muling pakikipagtrabaho kay Iñigo dahil nanatili raw naman silang magkaibigan kahit papaano.

Katunayan, nakatulong din daw ang kanilang karanasan para mag-mature sila at lumawak ang perspektibo sa buhay.

Hirit pa niya, naka-move on na rin daw siya sa nangyaring pagkakabuwag ng kanilang loveteam.



Happy naman si Maris dahil kahit may pandemya ay hataw ang kanyang career.

Bukod kasi sa kanyang Star Cinema movie ay meron siyang TV series na Stay In Love at noontime variety show sa Singko.

 

Ayon kay Maris, aminado siyang kinikilig siya sa boyish charm ni Kokoy de Santos na kasama niya sa serye at nakilala sa BL series na Gameboys.