Advertisers
Ni JOVI LLOZA
DINEDMA o binalewala ni Jake Cuenca ang isang netizen na walang patumanggang nagkomento na wala nga raw itong utang na loob sa paglipat sa TV 5.
Bibida kasi si Jake sa isang programa ng Singko na makakasama nito ang aktres na ‘di na ni-renew ng network na kanyang pinanggalingan.
Yes, magsasama sa isang palabas si Jake at si Kris Bernal para sa Ate Ng Ate Ko.
Kung dati nga raw ay palapatol ang aktor sa anumang bato ng intriga, ngayon ay minabuti na lang nito na manahimik at huwag na lang patulan ang basher.
Mas importante ngayon kay Jake ay angm magkaroon ng work kahit hindi nito home network.
Inis naman ang netizens na matapos nga nitong alagaan at bigyan ng maraming project ng mahabang panahon ay ito pa raw ang mapapala ng network, ang iwanan.
Wala namang maririnig na sagot sa pag-akusa sa aktor na walang utang na loob.
Minabuti na lang ni Jake na manahimik at huwag na patulan ang basher.
Ang mahalaga sa aktor ay meron siyang trabaho sa panahon ng pandemya.
***
TOTALLY moved on na nga ang Kapuso actress na si Andrea Torres mula sa pinagdaanan nito sa kanyang buhay pag-ibig.
Sa IG post nito matapos ang break-up kay Derek Ramsay after 8 days.
Nakita ng kanyang mga kasamahang artista na blooming at fresh na ulit si Andrea.
Para nga raw wala itong pinagdaanan at halos ang mga kasamahang artista ay pinuri si Andrea.
At halos lahat ay nagandahan kay Andrea na parang inlababo pa rin ang peg.
Ang pinost na pics ni Andrea na looking fresh, blooming at in-love ay trending sa socmed.
Umabot sa 51,000 likes ang magandang picture ng aktres na mismong si Derek Ramsay ay ni-like rin ito.
Sa aura nga raw ni Andrea ay hindi imposible na may mainlab agad sa ex ni Derek.
Well, well, well…’Yun na!