Advertisers
Bagama’t hindi sinipot ni dating HEALTH SECRETARY at ngayo’y 1st DISTRICT ILOILO REPRESENTATIVE JANETTE GARIN na nirepresenta na lamang ito ng kaniyang abogado sa dapat ay ARRAIGNMENT nitong nakaraang Biyernes sa QUEZON CITY REGIONAL TRIAL COURT ay may mahigit pang isandaang kaso ang kakaharapin nito kaugnay sa DENGVAXIA CONTROVERSY na daan-daang mga batang nabakunahan ang humantong sa mala-tortyur na kamatayan.
Sa naitakdang ARRAIGNMENT ay 2 lamang sa 39 na kinasuhan ang nakadalo sa sala ni QCRTC BRANCH 107 JUDGE JOSE BAUTISTA JR, na ang mga ito ay sina MA. LOURDES SANTIAGO ng FOOD AND DRUG ADMINISTRATION (FDA) at DR. ROSALIND VIANZON ng DEPARTMENT OF HEALTH (DOH).
Ang hindi pagsipot ni GARIN sa ARRAIGNMENT ay dahil sa umano’y “COVID-19 EXPOSURE” nito at ang kaniyang abogado kasama ng iba pang kinasuhan ay nagsumite ang mga ito ng MOTION TO QUASH na ipinababasura ang kaso.
Bunsod nito ay nag-atas si JUDGE BAUTISTA JR sa PROSECUTION PANEL para magsumite ang mga ito ng kanilang comment sa loob ng 10-araw at ang ARRAIGNMENT naman ng mga hindi sumipot sa naitakdang araw ay maaaring maituloy bago ang January 27, 2021.
“The court has all the full jurisdiction over the two counts of reckless imprudence resulting in homicide after the arraignment of Santiago and Vianzon,” pahayag naman ni PUBLIC ATTORNEY’S OFFICE CHIEF PERSIDA ACOSTA.
Nitong nakaraang hapon ng November 26 ay isang 15-anyos na lalakeng estudyanteng nagka-dengue na noon at nakakumpleto ng pagpapabakuna ng DENGVAXIA noong June 2016, February 2017 at September 2017.., pero nitong matapos ang bagyong Ulysses ay dumanas muli ng matinding pananakit sa kaniyang pangangatawan at ilang araw pa ay tuluyan na itong namatay. Ang mga magulang nito ay huminge ng asiste sa tanggapan ni PAO CHIEF ACOSTA na isinailalim sa awtopsiya ang labi ng bata.
“There was an enlargement of the liver, spleen, heart, kidneys, and pancreas and there were also extensive bleedings of his heart, kidneys, gastrointestinal tract, lungs, and brain,” pahayag ni PAO FORENSIC CHIEF DR. ERWIN ERFE.
Dahil sa pag-asiste ng PAO sa mga magulang ng mga batang namatay dahil sa pagkakabakuna ng DENGVAXIA ay kumilos na ang mga nasasangkot sa pagpapaimplementa ng DENGVAXIA VACCINATIONS at bilang vengeance ay pinatatanggalan ng pondong pampasuweldo at operating expenses para sa PAO FORENSIC LABORATORY. Kapag nakalusot ito sa BUDGET HEARINGS ay ang mga maralitang sektor na walang kakayanang magbayad sa serbisyo ng mga abogado ang lubhang maaapektuhan dahil magiging mailap na sa mga ito ang makakuha ng hustisya sa silid ng hukuman.
Sa pananaw ng ARYA, ang DENGVAXIA CONTROVERSY ay napakahalagang matutukan ng sambayanan dahil ito ay programang inilunsad ng gobyerno sa pangunguna ng DEPARTMENT OF HEALTH (DOH) upang masugpo ang sakit na DENGUE.., subalit ang sinapit naman ng mga nabakunahan ay pawang mala-tortyur na kamatayan ang dinanas. Resulta ito sa hindi naging pagsunod ng mga kinauukulan sa mga nakasaad sa prescription ng DENGVAXIA, na hindi maaaring bakunahan ang mga hindi pa nagka-dengue.., at bukod dito, maraming mga eskuwelahan ang hindi muna kinuha ang permiso ng mga magulang para maturukan ang kanilang mga anak at ang isa sa importanteng hindi ginawa ng mga DENGVAXIA IMPLEMENTORS ay hindi sinuri ang kundisyon ng mga bata kung angkop bang turukan ang mga ito ng nasabing bakuna o baka kontra sa katawan ng bata dahil may mga taglay na iba pang uri ng sakit na hinde aplikable sa nasabing gamot.
Ang ganitong paglulunsad ng GOVERNMENT PROGRAM na nagreresulta sa “RECKLESS IMPRUDENCE RESULTING TO MULTIPLE HOMICIDE” ay dapat mapanagot ang lahat ng mga may kaugnayan sa pagpapaimplementa upang magsilbing aral sa mga GOVERNMENT OFFICIALS na huwag nang maulit pa ang mga PALPAK NA PROGRAMA!
UP STUDENTS DAPAT PAMARISAN SI LAPIDES!
Dear Sir:
Nakakabilib ang nag Top 1 sa 2020 Physician Licensure Examinations na si Jomel Garcia Lapides. Nakapagtapos siya sa University of the Philippines-Manila at may 88.67 percent na rating. Isang produkto ng UP na dapat tularan ng maraming kabataan.
Sayang ang mga kabataan na dapat sana ay katulad ni Lapides na mapapakinabangan ng ating lipunan. May mga estudyante na imbes mag-aral para makabawi at makatulong sa mga magulang ay napapariwara sa iba’t-ibang paraan. Mayroon lulong sa bisyo, nakakapag-asawa ng maaga, inuuna ang pagbabarkada at ang masaklap, ang iba sa kanila ay nagiging aktibistang terorista. Dapat talaga na ang mga kabataan ay magabayan ng mga magulang para hindi maligaw ng landas at masira ang buhay. Sayang ang mga produkto ng UP kung ang inuuna nila ay ang pagra-rally. Tularan dapat si Lapides, inuna ang pag-aaral para sa pamilya.
From: Kareen Asistio ng Majayjay, Laguna
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.