Advertisers

Advertisers

Mandirigma

0 671

Advertisers

HINDI nila akalain na palaban si Bise Presidente Leni Robredo. Hindi nila akalain na ang babaing mapungay ang mga mata at malamya kumilos ay isa palang palaban na mandirigma na handa sila harapin sa lahat ng larangan.

Hindi aabot sa sukdulan kundi sila nagkamali. Nang salingin ang kanyang anak na si Tricia, isali sa kalokohan, at gawan ng kuwento na fake news, umiba na ang ihip ng hangin. Lumitaw ang natural ng Bise Presidente. Matapang pala si Bise. Oragon sa salitang Bicolano.

Hindi bago ang batuhin ng maruming tsimis ang Bise Presidente. Kahit noong kampanya, kung ano-anong below the belt na tsismis ang ibinato sa kanya. Mas tumindi ang tsismis nang nanalo at naupo sa puwesto. Ngunit habang binabato ng tsismis, mas tumitingkad ang kanyang katangian upang maging isang matibay na moog sa 2022.



***

HINDI si Sara, Ping, o Mane ang makakalaban ni Leni sa 2022. Dark horse si Mark Villar. Hindi kami magtataka kung pumalaot si Mark. Ngayon, kasalukuyan pang pinag-aaralan ni Mark kung sasawsaw sa 2022. Hindi ang kanyang matapobreng ina na si Cynthia ang may tsansa na manalo sa 2022. Si Mark ang may hawak ng timon.

Kapag nagkataon, mababalik tayo sa sitwasyon na walang ipinagkaiba noong bago iproklama ni Ferdinand Marcos ang batas militar and ipalaot ang bansa sa mapinsalang diktadurya. Ito ang labanan sa pulitika ng dalawang pinakamalaking lapian sa bansa – Nacionalista at Liberal. Nacionalista si Mark at Liberal si Leni.

May sapat na kakayahan sa pananalapi si Mark upang pumalaot sa halalang pampanguluhan. Sapagkat mga anim o pito ang inaasahang kandidato na maglalaban-laban sa 2022, ipinapalagay na may tsamba siya. Manmanan.

***



MAY indikasyon na maaaring buhayin sa Enero ang usapin ng pagpapalawig ng prangkisa ng ABS-CBN. Sapagkat hindi na kaya ni Rodrigo Duterte ang mamuno at sapagkat hindi naman nakuha ng sinuman sa mga alipures ni Duterte ang higanteng estasyon, maaaring buhayin ang naisarang pagtalakay sa Enero.

Isang matibay na batayan ang nangyaring sibakan sa Kamara de Representante. Matapos masibak si Alan Peter Cayetano bilang ispiker, sumunod na pinagtatanggal ang mga mambabatas na hayagang tumutol sa pagpapalawig ng prangkisa ng ABS-CBN.

Tinanggal bilang deputy speaker at committee chair sina Rep. Dan Fernandez, Rep. Raneo Abu, Rep. Fredenil Castro at Rep. Ron Salo. Pinalitan sila nina Buhay Party List Rep. Lito Atienza, Rep. Camille Villar, Rep. Rufus Rodriguez at Rep. Dale Malapitan.

Nanguna sina Fernandez at Abu sa 70 mambabatas na pinangunahan ni Cayetano upang kitilin ang bagong prangkisa sa ABS-CBN. Sa public hearing, magugunita na isa si Fernandez na pinakamaingay sa kanyang pagtanggi na mapalawig ang prangkisa kahit na binigyan siya ng malaking break sa kanyang papel sa telenobelang “Maria Clara.” Isa rin siya sa mga masugid na tagapagtanggol ni Cayetano.

Nagsumite ng panukalang batas si Salo upang mapalawig ang prangkisa ng ABS-CBN, ngunit binawi at nagtatalak sa hindi malamang dahilan. Mukhang iba ang takbo ng pag-iisip ni Ispiker Lord Alan Velasco bagaman hindi siya maingay at matalak na katulad ni Cayetano.

***

HINDI namin napansin na may ipinasang resolusyon ang Sangguniang Panglungsod ng Maynila na sumusuporta sa pag-angkin sa West Philippine Sea. May ipinadala sa amin si Konsehal DJ Bagatsing ng Ikaapat ng Distrito ng Maynila. Narito ang salita ng resolusyong:

“Our Resolution, approved by the Manila City Council during October 1, 2020 regular session, expresses the City of Manila’s unified solidarity and utmost support, as the nation’s capital, for the country’s legal claim of its rightful mandate over the disputed West Philippine Sea territory, as recently reaffirmed and strongly asserted by President Rodrigo Duterte before world leaders during his historic maiden speech at the 75th U.N. General Assembly.

“We congratulate, first of all, the President and loud his patriotically inspiring address before the global stage of the United Nations, where he boldly stood up for our sovereign nation against undue Chinese encroachment, invoking effectively, in a most resolute manner, the Philippines’ arbitral ruling victory in the International Tribunal on the U.N. Convention on the Law of the Sea, which certainly was masterstroke of diplomacy on the highest arena.

“This simple yet symbolic measure is indeed timely, as it is important, for we believe that, being the seat of power and the country’s capital, it truly is incumbent upon the City of Manila to be in unison, one with the nation in seeking, moreover, gaining its inherent jurisdiction and legal mandate over its West Philippine Sea territory, which has been adjudicated on already, thus awarded, by a prevailing international ruling, much so, preeminent decree.

“The Philippines’ capital, the ever-loyal City of Manila, always shall stand for the sovereignty of our nation and stand against any form of incursion.”

***

NANALO si Bambol Tolentino bilang pangulo ng Philippine Olympic Committee, ngunit hindi malaki ang diperensiya. Patunay lamang ito na hati-hati ang mga sports leader ng bansa. Nakakuha ng 30 boto si Bambol, ang kanyang katunggali na si Clint Aranas naman ay umani ng 22 boto. Mahina ang mandando ni Bambol.

May sinabi ang aming kaibigan na si Philip Lustre sa isang post: “Two weeks ago, Cayetano submitted what he described the first of a two-part report on the 2019 SEA Games. The first part discusses the preparations and management. He did not submit the second part, which he said would be about the financial report of the SEA Games. He said he would submit it ‘within the next few weeks.’ He did not give any specific date.

“Obviously, Cayetano wanted to see the outcome of the POC elections. With the subsequent reelection of Bambol Tolentino, his friend, political ally, and protector – all rolled one, in the POC elections yesterday, the question is if Cayetano would submit the much ballyhooed financial report. Cayetano and his group have been trying to skirt its submission over the last nine months. They are damned afraid that it could be used against them.

“Bambol did everything to scuttle it. This is not all. Bambol and his group of sports leaders operated like a Mafia gang, as they received emoluments from Phisgoc in violation of the rules of the International Olympic Committee. A new ballgame is in the offing.”

Isumite kaya ni Cayetano ang financial report? Pangatawanan kaya ni Cayetano bilang isang maginoo ang kanyang pangako na isusumite niya ang financial report? O tuloy ang ligaya kasama ang mga tiwaling sports leader.