Advertisers

Advertisers

My snappiest salute! Col. Collantes

0 357

Advertisers

Plano sana namin muling maging magkatrabaho para sa taong 2021 matapos siyang mag-retire, ngunit nagapi siya ng virus na COVID-19 nito lamang weekend.

Isang malungkot na balita ang aking natanggap galing sa pinaka-matanda niyang anak na si Charles Nikko. Pumanaw na raw ang kanyang amang si Colonel Eder Collantes sa pakikipaglaban sa COVID-19. Ngunit di raw kinakitaan ng takot at paghihirap ang kanyang ama habang nakikipaglaban sa virus at humiling na lamang siya ng ating mga panalangin para sa kanyang ama at kanilang pamilya.

Si Col. E., ang nakagawian kong tawag sa kanya, ay ang dating de kalibreng hepe ng mga imbestigador ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS). Di lamang siya de kalibreng imbestigador, para sa akin, isa siyang mahusay na guro, dahil sa kanyang dedikasyon na ibahagi ang kanyang nalalaman sa sinumang nais maragdagan ang kaalaman.



Pinangunahan niya noon ang grupo ng aming (PTFoMS) mga imbestigador at itinaas ang abilidad ng bawat isa sa level na kahit kami ay di umaasang mararating namin.

Hindi matatawaran ang kanyang galing, at ang kanyang katapatan sa tungkulin, upang mapagtagumpayan ang anumang misyon na iniatang sa kanyang balikat sa mahaba at makulay niyang panahon sa serbisyonpubliko.

Bago pa nga kanyang retirement, noon lamang Hunyo ng taong ito si Col. E ay nasa Task Force Usig matapos ang dalawang taon na panunungkulan sa PTFoMS. Noon ngang Marso napadalaw pa siya sa ating tanggapan dala-dala ang napakalaking pizza para aming pagsaluhan sa pananghalian.

Doon namin (PTFoMS) minarapat na bigyan siya ng Certificate of Apprciation para sa kanyang mga naitulong at naibahagi sa Task Force. Sa likod ng certificate na yun, naisulat ko, ” we shall serve and work tgether again soon”, dahil nga inaasahan kong makakasama ko pa siyang muli. Natatandaan ko, sinabihan ko pa siya noon na enjoyin muna ang kanyang bakasyon.

Kung hindi nangyari ito sa kanya, malamang ay kasama na namin siyang uli sa PTFoMS sa susunod na taon. Ngunit di na nga mangyayari iyon, at kahit nasa gitna kami ng kalungkutan at nagdadalamhati sa kanyang pagpanaw, amin pa rin kinikilala at dinadakila ang napakabuti at maginoong opisyal na napakalaki ng nagawa at naitulng sa PTFoMS, lalo na sa pagaayos ng aming mga datus at sistema ng pagiimbestiga.



Sa kanyang naulilang pamilya, sa mga kaibigan at nakakakilala kay Col. E, taus-puso kaming nakikiramay.

Isa siyang kuya para sa akin at hinahangaan ko ang taglay niyang mga katangian, patuloy kong alalahanin ang mga alaala ko sa kanya. Di na natin nagawang makarating sa Tanay ng naka-motor o kahit saan na lugar na plinano nating puntahan Col. E. Ngunit alam ko ang buhay ay talagang paglalakbay at pihado rin ako na talagang ikinasaya mo ang iyong tinahak na paglalakbay sa buhay.

Gaya ng huli mong text sa akin – “Ride safe boss.” Saludo ako sa iyo, Col. E.