Advertisers
NAKAPAGTALA ng karagdagan na 1,773 kumpirmadong kaso ng Covid-19 sa bansa batay sa inilabas na case bulletin ng Department of Health (DOH) nitong Lunes, Nobyembre 30.
Samantala ay mayroon namang naitalang 44 na gumaling at 19 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 5.7% (24,580) ang aktibong kaso, 92.4% (398,658) na ang gumaling, at 1.94% (8,392) ang namatay.
Nangunguna naman ang Rizal na may mataas na naitalang kaso ngayong araw na may 104.
Mayroon namang 99 kaso sa Cavite, Negros Occidental, 88; Davao City, 79; at Laguna, 72.
Samantala, 7 duplicates ang inalis sa total case counts kung saan 4 ang recovered cases.
Bukod dito, anim na kaso ang natag na recovered case ang na-reclassified bilang deaths. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)