Advertisers
IPINAALALA ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire sa publiko na may umiiral pa rin na batas sa pagbabawal ng paggamit ng paputok sa pagsalubong ng Bagong Taon.
Sinabi ni Vergeire, na noong nakaraang taon ay napaigting pa lalo ang batas na ito at patuloy pa rin na hindi pinapayagan ang firecrackers o anumang uri ng paputok sa Bagong Taon.
Ayon sa opisyal, ito ay upang hindi na madagdagan pa ang mga injuries.
Sinabi pa ni Vergeire na tulad ng mga paalala na kanilang ibinibigay para sa gagawing selebrasyon sa Kapaskuhan ay ganundin ang kanilang paalala naman sa pagdiriwang ng pagsalubong ng 2021.
“Iwas paputok para iwas injuries this coming season” paalala pa ni Vergeire sa publiko .
Tuwing sasalubungin ang Bagong Taon ay nakagawian na ng mga tao na magpaputok dahil sa paniniwalang nakakapagtaboy ito ng kamalasan na dinanas sa buong nagdaang taon.
Pero dahil sa Covid-19 pandemic at existing law kung saan ipinagbabawal ang pagbebenta at pagpapaputok sa Bagong Taon ay hindi pa rin ito pinahihintulutan para na rin sa kaligtasan ng publiko. (Jocelyn Domenden)