Advertisers

Advertisers

GO, AKSYUNAN ANG SINDIKATO!

0 749

Advertisers

SA harap ng kawalang aksyon ng mga alkalde, nananawagan ang mga apektadong mamamayan ng 4th district ng Batangas at Lipa City na kasuhan ang ilang pinunong lokal sa hinalang may koneksyon sa sindikatong kriminal na sangkot din sa pagpapatakbo ng kalakalan ng droga at iligal na sugal sa kanilang hurisdiksyon.

Mensahe sa SIKRETA ng isa nating tagasubaybay, tandisang tinukoy sina Lipa City Mayor Eric Africa, Padre Garcia Municipal Mayor Celsa B. Rivera at Tanauan City Mayor Angeline “Sweet” Halili na nagpabaya sa kanilang tungkulin na naging dahilan kung kaya’t di masugpo ang operasyon ng bentahan ng shabu sa kanilang nasasakupan. Ginagamit na prente ng sindikato ang Small Town Lotttery (STL) cum jueteng sa kanilang lokalidad.

“Kung wala pong STL bookies o jueteng sa Lipa City, Padre Garcia at Tanauan City, hindi rin po lalago ang kalakalan ng shabu. Ang pondo mula sa jueteng ang ginagamit na puhunan ng mga drug pushers sa pag-angkat ng droga sa malalaking supplier ng shabu sa Cavite at Metro-Manila.



Hindi lamang po mga alkalde,kailangan pati mga hepe ng kapulisan at mga barangay kapitan kung saan talamak ang operasyon ng STL bookies/ jueteng ay pakasuhan din”, ani Kag. Juan.

Bilang isang pinagkakatiwalaang opisyal ni Pangulong Rodrigo Duterte,malaki ang kanilang tiwala kay Senador Christopher Lawrence “Bong” Go na masupil nito ang operasyon ng sindikatong namamayagpag sa lalawigan ng Batangas, lalong-lalo na ang nagkukuta sa bayan ng Padre Garcia at mga siyudad ng Tanauan at Lipa.

Sa kanilang panawagan, hiniling din ng ating tagasubaybay kina Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Eduardo at USec for Barangay Affairs Martin Diño na sampahan ng karampatang kaso sina Africa, Rivera at Halili dahil posibleng nangungunsinte at protektor daw ang mga ito sa ilegalistang drug at gambling lords sa kanilang lolakalidad.

Hindi natin masisi kung hinalain ng ating tagasubaybay na protektor ang mga naturang alkalde sa naglisaw na ilegalista tulad sa bayan ng Padre Garcia, Lipa City at Tanauan City, pagkat malayang nakakakilos sa nabanggit na siyudad at munisipalidad ang sindikatong Tisoy/ Idol at Flores gun for hire at kidnap group.

Liban sa paghahasik ng krimen at lagim, nagpapatakbo din ng STL bookies/ jueteng ang naturang grupo at daig pa ang lihetimong pulis ng Padre Garcia na nakapagdadala ng mataas na kalibreng baril. Ang mga hitman ng nasabing crime group ang nagdedeliber ng shabu sa nasabing bayan at iba pang lugar sa 4th District ng Batangas.



Hindi pala nag-iisa ang inyong lingkod sa pagsisiwalat ng katotohan pagkat maging ang payak na mamamayan tulad ni Kagawad Juan ay tumutuligsa din sa kawalan ng akyon ng pulisya at ni Mayora Rivera laban sa Tisoy/ Idol/Flores gun for hire at kidnap group.

Sa Lipa City ang mga dapat ipalansag ni Senador Go ay ang mga sumusunod: Ka Carling ng Bulacnin, Kap Randy, Brgy. Sulok, Ex-Kap Fonti- Brgy Granja at Poblacion, Kap Gonzales- Brgy. San Benito, alias Kap Boyet ng San Lucas, Kap Lacorte- Brgy. Sto Toribio at Saint Michael; Kap August- Brgy. 8. Poblacion; alias Kap Sara ng Sampaguita, alias Ruben Sabedra- Brgy. Balintawak; Lorenz- Brgy. Poblacion 4 at Bulaclacan; Neneng Dista- Brgy Uno; Vilma Tomboy-Calle Pogi, Brgy 3, Amapola Subdivision, C.M Recto Ave., at bus stop; Liza at Linda-sa Brgy. Balintawak at Poblacion; Hadjie at Aiza- Brgy San Jose o San Jose Patay, Ex-pulis Yema- Brgy. Pangao.

Sina alias Kap Wanita at Kap. Fernan, naman ang kumokontrol ng operasyon ng STL bookies/ jueteng at droga sa South at North District ng Lipa City na kumakatawan sa 34 na barangay ng Lipa City.

Sa Tanauan City ang mga drug/gambling maintainers ay sina alias Mayor Benir, Konsehal Angel, Ablao at Melchor ng Brgy. Darasa,Madam Bagsik ng Brgy. Janopol, Ms. Anabel ng Pantay na Matanda, Kap. Mario ng Brgy. Pantay na Bata, Jr. Biscocho ng Brgy. 7 at Putuhan, Lito ng Brgy. 7 at Putuhan at Konsehal Perez ng Poblacion.

Ang iba pang drug/ gambling maintainers sa Tanauan City ay sina Ocampo ng Brgy. Bagbag, Emil, Ramil, Aldrin , Terio, Angke at Lilian ng Brgy. Sambat, Lawin at Dona ng Brgy. Pantay na Bata at Pantay na Matanda, Rowel, Tano at Berania ng Brgy. Trapiche, Engke, Cancio, Dama at Dexter ng Brgy.Ulango.

Sa munisipalidad ng Malvar ay kontrolado nina alias Banog at Rico ang bentahan ng shabu at operasyon ng STL bookies/jueteng sa may 15 barangay ng nasabing munisipalidad.

Sa bayan ng San Juan, ang drug pusher na nagpapatakbo din ng STL cum jueteng ay si alias Kap Nelson, sa munisipalidad ng Nasugbu ay si Willy Bokbok, sa bayan ng Taysan ay si alias Bedu, sa mga bayan ng Mataas na Kahoy at San Jose ay si alias Kap Virtucio o Vice Virtucio, Ibaan ay si Roceo at sa Batangas City ay ang magkasosyong si alias Kap Bening at alias Mayor Benir.

Balewala ang direktiba ng bagong PNP Region 4-A Director PBG Felipe Natividad na “No take policy” pagkat di rin naman ito sinusunod ng kanyang hepe ng kapulisan.

Katwiran nila ay nakatimbre daw ang operasyon ng STL cum jueteng sa tanggapan ni Senador Go at PCSO General Manager Royina Garma.

Kaya dapat talagang buwagin ni Senador Go ang operasyon ng STL cum jueteng sa bayan ng Padre Garcia, Lipa City at Lungsod ng Tanauan at iba pang mga bayan at siyudad sa Batangas.

Hindi dapat magamit ang pondo mula sa jueteng sa pamimili ng matataas na kalibreng baril at pagbabayad sa kanilang hitman.

Tunghayan po natin ang bahagi ng mensahe ni Kagawad Juan ng Batangas 4th District:

Sana maiparating po sa pamamagitan ng SIKRETA, ang aming panawagan kay Senador Lawrence Bong Go para kasuhan ang mga halal na opisyales ng gobyerno na nagpapabayang mamayani ang sindikatong sangkot sa kriminalidad, bentahan ng droga at operasyon ng STL bookies o jueteng sa kanilang nasasaklawan.

Kung hindi po pumapayag na magpailigal sa kanilang lugar ang mga mayor, barangay officials ay hindi maaring ipagpatuloy ang labag at gawaing iligal sa alinman siyudad at bayan. Paniwala po namin pati ang aming gobernador, at PD ay may tinatanggap din mula sa operasyon ng jueteng?

Kapag di po sila nakasuhan ay di na dapat na paniwalaan sina Sec. Año at Usec. Diño.. Salamat po. Kag. Juan ng Batangas 4th district.

***

Para sa komento: Cp # 09293453199, email: sianing52@gmail.