Advertisers
SIMULA bukas, Disyembre 1 ay balik-operasyon na ang MRT-3 matapos magpatupad ng tatlong araw na shutdown upang magbigay-daan sa pagsasaayos ng mga turnouts sa Taft Avenue station.
Makakapagsakay nang muli ang mga tren ng 30% passenger capacity, na mayroong 124 na pasahero kada train car o 372 na pasahero kada train set.
Ang unang biyahe ng mga tren mula sa North Avenue station ay 4:37am, at 5:17am naman mula sa Taft Avenue station.
Matatandaang nagpatupad din ng weekend shutdown ang linya noong ika-15 at ika-16 ng Nobyembre, upang magbigay-daan sa pagsasaayos ng mga turnouts sa 2A at 3C sections ng parehong istasyon. Makatutulong ang pagpapalit at pagsasaayos ng mga turnouts sa pagpapataas ng bilis ng mga tren sa 60kph ngayong Disyembre.