Advertisers

Advertisers

PNP nakipag-ugnayan na sa AFP para sa pagdakip ng mag-asawang Tiamzon

0 224

Advertisers

Makikipag-ugnayan ang Philippine National Police (PNP) sa Armed Forces the Philippine (AFP) para sa pagdakip sa mag-asawang Benito at Wilma Tiamzon matapos na patawan ng guilty sa kasong kidnapping at serious illegal detention sa 3 military officers at miyembro ng narcotics command.
Ayon kay PNP Chief Gen Debold Sinas, inatasan na sila ni Interior and Local Government Sec Eduardo Ano na makipag coordinate sa AFP sa pagtukoy sa kinaroroonan ng mag asawang Tiamzon para sa pagkakadakip ng mga ito sa sandaling maipalabas ng korte ang warrant of arrest laban sa mga ito.
Inatasan na ni Sinas ang PNP Intelligence Group na makipag- coordinate sa AFP para sa agarang pagkakadakip sa mag-asawang Tiamzon habang inatasan din nito ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na kumuha ng kopya ng naging hatol ng korte para maging reference.
Sinabi ni Sinas na handa naman ang PNP tumulong sakaling magpasiya ang mag-asawang Tiamzon na sumuko ng maayos.
Magugunita na hinatulan ng Quezon City Regional Trial Court Branch 216 ng pagkakabilango ng 40 taon ang mag-asawang Tiamzon.
Pinagbabayad din ng korte ang mag asawang Tiamzon ng moral damage, civil indemnity at exemplary damages.
Ang mag-asawang Tiamzon ay kinasuhan ng kasong kidnapping at serious illigal detention sa pagkidnap kina Lieutenants Clariton Santos, Oscar Singson, Rommel Salamanca, at Abraham Casis ng AFP at Sergeant John Jacob Philippine Narcotics Command noong 1988. (Mark Obleada/Gaynor Bonilla)