Advertisers

Advertisers

Walang dapat maiwan…

0 203

Advertisers

Muling pinatunayan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kanyang pagmamalasakit sa kanyang mga kababayan nang magsalita ito sa ‘virtual summit’ ng 27th Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) na sinalihan ng maramng lider ng bansang miyembro nito.

Bukod sa pinagdiinan ng Pangulo na dapat palakasin ng mga bansa ang kooperasyon, sinabi niya rin sa mga ito na “walang dapat maiwan” lalo na sa laban sa COVID-19 at ang bakunang pinag-aaralan at ginagawa upang labanan ang nakamamatay na virus.

Dalawampu’t isang lider ng mga bansa ang kausap ni Pangulong Duterte sa virtual summit na iyon noong Biyernes (November 20, 2020) na kanyang pinaalalahanan din, na ang pandemiya sa COVID-19 ay isang malaking hamon para sa lahat.



Hamon na maging ang ekonomiya ng bawat bansa ay naisa-alang-alang at nalagay sa panganib habang ang lahat ay inihahanda ang kani-kanilang bansa at kababayan na harapin ang bagong normalidad o ‘new normal’ na tinatawag.

Ang pagbibigay ng lubos na kooperasyon aniya, at pakiki-pag-ugnayan at tulungan ng mga bansa ang pinaka-mainam na sagot sa hamon ng panahong ito na binagabag ng pandemiya.

Kailangan nga namang magapi o matalo ang virus kahit saan mang lugar ito naroon at nang makabangon ang lahat ng bansa at ekonomiyang naperwisyo nito.

Kaya kanyang minungkahi na kailangan ang tunay na mga pag-uusap ng mga bansa, mapa-multilateral o tripartite arrangement upang mapag-sama-sama ang lakas at talino ng bawat isa sa paglikha ng pinaka-mabisang bakuna para labanan ang COVID-19.

Ang pakikipag-tambalan ng bawat kasapi ng APEC sa lahat ng bansang maaaring maging partner nito, para kay Pangulong Duterte ay pinaka-mabisang panlaban sa virus habang wala pa ang bakuna.



Pakikipag-partner di lamang sa pagtuklas ng bakuna, kundi sa kalakalan at impormasyon, ang itinanim ng ating lider sa kanyang mga ka-virtual meeting sa summit na pinangunahan ng bansang Malaysia.

Ito raw ang tamang susi upang mapagtagumpayan ang laban sa COVID-19 at makabangon ang bawat ekonomiya ng bawat kasapi ng APEC.

Sa ipinakitang pagmamalasakit na iyan ng ating Pangulo, magdududa ka pa bang patulog-tulog lamang siya at di gumagalaw? Mapa-pandemiya yan o anumang kalamidad pa, makakasiguro ka, kabayan, na ang iyong lider ay talagang gumagalaw at naghahanda para mapabuti ang iyong kalagayan.

Huwag kang sumama at maniwala sa mga pinalalabas ng iba. Ang mga kababayan nating ganyan ay iba rin ang agenda. Walang maitutulong yan, di gaya ni Pangulong Duterte na lagi kang pagmamalasakitan at pihadong di ka iiwan.