Advertisers
NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng 1,298 na karagdagang kaso ng COVID-19 nitong Martes, Disyembre 1.
Samantala ay mayroon namang naitalang 135 na gumaling at 27 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 5.9% (25,725) ang aktibong kaso, 92.1% (398,782) na ang gumaling, at 1.94% (8,418) ang namatay.
Napabilang naman ngayon ang Ilocos Norte sa mga probinsya at siyudad na may pinakamatas na naitalang kaso ngayong araw na mayroong 84.
Muling nakapagtala ang lungsod ng Maynila ng 61 kaso, habang ang Quezon ay 55, mayroon ding 50 sa Lguna at 47 sa negros Occidental. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)