Advertisers

Advertisers

Gilas Pilipinas winalis ang Thailand

0 260

Advertisers

UMAKYAT na sa No. 1 sa Group A ng FIBA Asia Cup ang Gilas Pilipinas matapos walisin ang Thailand, 93-69.
Mayroon na kasing tatlong panalo at wala pang talo ang Gilas.
Sa simula pa lamang ng laro ay umarangkada na ang national players ng bansa sa laro na ginanap sa Manama, Bahrain.
Hindi pinayagan pa ng Gilas na makalamang pa ang Thailand.
Napababa pa ng Thailand ang kalamangan sa 14 points subalit hindi pa rin nawala ang pagiging agresibo ng Gilas.
Bumida sa panalo ng national team si Javi Gomez de Liano na nagtala ng 19 points, habang ang kapatid nitong si Juan ay mayroong 14 points.
Sinabi ni Gilas coach Jong Uichico, ayaw niyang maging kampante ang Gilas dahil sa tinambakan nila ang Thailand sa unang laro nila noong nakaraang Linggo.
Nitong nakalipas din na Sabado, inilampaso din ng Indonesia ang Thailand.