Advertisers

Advertisers

Yul Servo nagsulong ng mas matinding parusa sa game-fixers

0 376

Advertisers

Ni NONIE V. NICASIO

KILALA si Yul Servo bilang isang award winning actor, at ngayon ay kilala na rin bilang isang masipag at epektibong public servant.

Mula sa pagiging protegee ng manager at premyadong direktor na si Maryo J. delos Reyes, nakilala ang husay ni Yul bilang actor.



Okay lang daw na gumawa siya ng pelikula basta maganda ang proyekto at hindi ito makakaapekto sa kanyang trabaho bilang mambabatas. Actually, priority ngayon ni Congressman Yul ang kanyang trabaho bilang kinatawan ng ika-3 Distrito ng Maynila.

Si Yul na kilala rin bilang Rep. John Marvin “Yul Servo” Nieto ay nagsulong ng isang bill at nagmungkahi ng mas matinding parusa laban sa mga “game-fixers” sa larangan ng palaro sa ating bansa.

Mula sa Committee of Youth and Sports Development na kinakatawan ni Rep. Nieto,  may naipasang bill na naglalayong mapalawak ang sports coverage at magbigay ng mas matinding parusa sa mga gagawa ng krimeng “game-fixing.” Itong bagong bill ay papalit sa kasalukuyang House Bills 1226 at 5281.

Nabatid ni Rep. Yul na ang mga mapanlinlang na tao at sindikato ay kumikita ng milyun-milyon mula sa “game-fixing” at sa “point-shaving” at mga “game machinations” at ayon sa batas, kapag nahuli, sila ay mapaparusahan sa pamamagitan ng pagbayad ng multang nagkakahalaga ng dalawang milyong piso (PHP2,000,000), subalit hindi sila madaling maipakukulong.

“Ito po ang dahilan kung bakit namamayagpag pa rin sila sa sektor ng palakasan. Ayaw po natin itong magpatuloy sa ngalan ng integridad ng bawat palaro natin, gayundin ng ating mga manlalaro.



Sa isinusulong po natin na batas, mas madali silang matutukoy at mapapanagot,” ayon kay Nieto.

Sa naaprubahang substitute bill, ang aktuwal na bayad o pag-abot ng pera ay mahalaga ngunit hindi kailangan upang mapatunayan ang krimen ng pandaraya sa laro, gayunman, ito ay magiging “prima facie evidence” sa kaso.

Itong substitute bill ay magpapataw ng mas matinding parusa kahit na ang mga nasasangkot ay nagpaplano, nagmumungkahi o sumusubok pa lang na gumawa ng “game-fixing.”

Sila ay makatatanggap ng maximum na parusa sa halagang isang milyong piso (P1,000,000). Ang Game and Amusements Board (GAB) ay maari na ring magsuspinde o magtanggal ng propesyonal na lisensiya ng mga nasasangkot na atleta.

Samantala, ang Philippine Sports Commission (PSC) naman ay maaaring magtanggal ng mga atleta at coaches at mga opisyales mula sa national team. Ang mga nasasangkot ay maaari ring ipagbawal habambuhay mula sa pagsali sa lahat ng palarong isasagawa ng PSC at sila rin ay madi-disqualify mula sa kahit anong nominasyon at gantimpala.

“Nakipag-ugnayan na po tayo sa Senado ukol dito at ang mga nasabing bill ay mayroon nang counterpart measures sa komiteng pinamumunuan ni Sen. Christopher Lawrence “Bong Go,” saad pa ng ni Yul.