Advertisers
Ni NONIE V. NICASIO
MASARAP kahuntahan si Meg Perez ng Mega Models Events and Talent Management. Siya ang manager ng bagong Totoy Mola na si Ricky Gumera.
Ang guwapitong newbie actor ang isa sa lead star ng pelikulang Anak ng Macho Dancer na pinagbibidahan ni Sean de Guzman at sa pamamahala ng premyadong director na si Joel Lamangan.
Paano niya ide-describe si Ricky?
Sagot ni Meg, “Ricky is truly a good soul. Sobrang bait. Wala ako masabing hindi magandang tinapay sa bata na iyan, sa kabila ng kahirapan at paghihikahos ng buhay niya noong kanyang kabataan.
“He is a happy and very positive man… lahat sa kanya, maganda. Walang dilim, puro liwanag. At doon ko siya minahal bilang anak ko. Masunurin siya at pursigidong matupad lahat ng pangarap, kaya ganado akong tulungan siya nang husto.”
Gaano ka-daring si Ricky sa Anak ng Macho Dancer?
“Sobrang daring Nonie. To the highest level. Even ako naloka!” sambit ni Meg.
Patuloy pa niya, “Noong tinanggap ko yung offer doon sa role niya, hindi ako nagpatumpik pa. Oo agad for the reason na Joel Lamangan iyan. Kahit hubaran si Ricky, alam kong wala ako, or kaming magiging regrets.
“Ngayon lang nag-sink-in sa akin na, malala yung ibinigay ni Ricky dito, kaya aabangan talaga.”
Nagpakita ba siya talaga ng kargada sa Anak ng Macho Dancer?
“Yessss! At maraming matutuwa sigurado! Kasi, babaha ng mga kanotahan sa pelikula!” Patiling tugon ni Meg.
Siniguro rin ni Meg na dakila ang kanyang alaga kaya dapat abangan ang maiinit na eksena nito sa Anak ng Macho Dancer.
Aniya, “Super daks! Walang halong eksaherasyon. Kita nyo naman sa presscon, bakat na bakat, kaya tumitili ang ibang press.”
Tampok din sa pelikula sina Allan Paule, Jaclyn Jose, Rosanna Roces, Jay Manalo, William Lorenzo, Emilio Garcia, Charles Nathan, Miko Pasamonte, Niel Suarez, Chloe Sy, at iba pa.
Ang pelikula ay mula sa The Godfather Productions ng Mega Producer na si Joed Serrano, katuwang ang Blackwater. Planong gawin ang premiere night nito ngayong December sa UP Film Center para sa uncut version ng pelikula.