Advertisers
Ni JOVI LLOZA
MAY mga netizen na nagtatanong kung hindi raw ba napapagod si Angel Locsin sa ginagawa nitong pagtulong.
Open book ang pagtulong ng actress sa mga biktima ng kung anu-anong kalamidad sa bansa.
Kaya ‘pag may unos ay alam na ng lahat na may aksyon agad si Angel.
Ayon sa aktres, hindi raw siya napapagod sa pagtulong at hindi rin titigil.
Pagmamalaki pa ni Angel na parte na anya ng kanyang buhay ang pagtulong.
Kahit nga nakatakda na magpakasal si Angel ay hindi umano ito hihinto sa pagtulong sa kapwa lalo na sa mga nangangailangan.
***
NAGING trending ang pics ng pagsusukat ng wedding gown ni Jessy Mendiola, dagdag pa ang ipinost nito na diamond ring sa kanyang IG.
Wedding gown at engagement ring ang mga ito kaya napaisip ang netizens na kasalan na ang next sa magkasintahang Jessy at Luis Manzano.
Sinabi ni Luis na hinihintay na lang umano niya si Jessy kung handa na ito.
Bukod daw kasi sa bata pa ang gf ay may goal pa ito sa kanyang career.
Nilinaw rin ng aktres ang classic wedding dress na nag-viral sa socmed.
Hindi raw nito sinukat kundi repost pics lang ito at ang wedding dress ay mula sa eksena niya sa movie na ‘Stranded.’
Kaya wala pa anyang magaganap na kasalan kina Luis at Jessy.
Well, well, well…’Yun na!