Advertisers

Advertisers

Driver pinatay na, tinangay pa ang taxi sa QC

0 210

Advertisers

NASAWI ang isang taxi driver nang pagbabarilin ng mga holdaper nitong Miyerkules ng gabi sa Quezon City.
Sa ulat, nangyari ang insidente sa may Aurora Street, Barangay Holy Spirit ng naturang lungsod.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis, na-hold up ang biktima, pinatay at tinangay pa ang taxi nito.
Pahayag ng mga residente sa lugar, 9:00 ng gabi ng Miyerkules nang makarinig sila ng malakas na kalabog. Kasunod nito ay nakita ang bangkay ng biktima at isang taxi na humarurot papalayo.
Kasalukuyan pang iniimbestigahana ng krimen.