Advertisers

Advertisers

Kim napaiyak sa ‘Bawal Lumabas: The Series’ trailer

0 376

Advertisers

Ni BKC

UMAPAW ang emosyon ni Kim Chiu nang mapanood niya ang trailer para sa original series na “Bawal Lumabas” kaya naman hindi niya napigilang maiyak nang maisapubliko ito.

“Nag-flashback sa akin lahat simula nag-start ang ‘Bawal Lumabas.’ One mistake won’t define you as a person,” nakasulat na caption ni Kim sa kanyang Instagram video na  nagpupunas siya ng luha habang pinapanood ang trailer.



“When you make a mistake, don’t look back at it long… ‘Mistakes’ are lessons of wisdom. The past cannot be changed. The future is yet in your power.”

Ngayong Disyembre 14 na mapapanood sa iWantTFC streaming service ang naturang family dramedy. Tampok naman sa trailer ang hit song niyang “Bawal Lumabas,” na inspired din mula sa statement niyang nag-viral noong Mayo.

Isang Pamaskong handog ng ABS-CBN, ang bagong serye naman ay iikot sa kwento ng pamilya ni Eme (Kim), isang overseas worker na umuwi sa kanyang pamilya para makasama sila ngayong Pasko. Ngunit sa tagal nang hindi sila nakikita, tila hindi na niya kilala ang mga kapatid niya at susubuking mapalapit sa kanilang muli.

Magpapakilig din sa serye sina Francine Diaz at Kyle Echarri, at kasama rin sa cast sina Rafael Rosell, Paulo Angeles, at Trina Legaspi. Idinirek naman ito ni Benedict Mique.

Mapapanood ng standard at premium subscribers ang “Bawal Lumabas: The Series” simula Disyembre 14 sa iWant TFC app (iOs at Android) o sa iwanttfc.com.



***

Bettina Carlos ikinasal na sa non-showbiz guy

IKINASAL na ang actress na si Bettina Carlos sa kanyang non-showbiz fiancé na si Mikki Eduardo.

Ang nasabing intimate wedding ay naganap sa isang garden sa Taal Lake.

Inanunsyo ito ni Bettina sa kanyang Instagram post na may caption na, “This is THE DAY that the Lord has made.”

Hinatid ng kanyang ama si Bettina sa altar at natuklasan na suportado ng kanilang mga magulang ang paglagay nila sa tahimik.