Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
MAGKAKAROON ng screening at Q&A sa USA at Canada ang award-winning film na 1st Sem sa December 13, 2020, Sunday, 5pm, PST, (December 14, 2020, Monday, 9am sa Pilipinas).
Pagkatapos ng screening, may LIVE Q&A na lalahukan ni Ms. Lotlot de Leon na nagwagi sa All Lights India International Film Festival at Worldfest Houston para sa kanyang mahusay na pagganap sa 1st Sem.
Kasama rin sa Q&A ang writers-directors ng 1st Sem na sina Allan Ibanez at Dexter Hemedez. Pwedeng makausap at maka-chat ng mga lalahok si Lotlot via Zoom.
Inorganisa ng La Habra Arts Association at Helpers of Mankind (parehong based in California) ang screening at Q&A ng 1st Sem. Napanood ng presidente ng La Habra Arts Association na si Luz Spanks ang 1st Sem nang mag-premiere ito sa American Film Institute sa Hollywood noong Nov. 8, 2017. Nagustuhan niya ang pelikula dahil sobrang nakaka-relate siya sa character ni Lotlot de Leon. Ayon pa sa kanya, mas naintindihan sya ng kanyang pamilya dahil sa pelikula. Kaya naman ipinangako nya na mag-oorganize sya ng sariling screening ng 1st Sem sa La Habra kung saan sya nakatira. Dapat ay ipapalabas ang 1st Sem noong June 2020 sa mga art centers at libraries sa La Habra bilang bahagi ng educational program pero dahil sa coronavirus restrictions ay hindi ito natuloy.
Free ang event pero puwedeng mag-donate ang mga manonood. Ang makukulektang funds ay ido-donate sa mga biktima ng bagyong Ulysses. Pwedeng mag-donate sa lahabraartgallery@gmail.com through Zelle, Venmo o Paypal.
Umani na ng iba’t ibang awards at recognition ang 1st Sem sa India, South Korea, Canada, Spain, Russia at USA. Naging bahagi rin ito ng Pista ng Pelikulang Pilipino 2020.
***
PAGBALIK sa Pilipinas mula sa ilang buwang pamamalagi sa Hong Kong, sumabak na kaagad si Kapuso actor Migo Adecer sa lock-in taping ng seryeng Anak ni Waray vs Anak ni Biday.
Sa Hong Kong inabutan ng lockdown si Migo at sa panayam ng 24 Oras, ibinahagi niyang naging mabuti ang pamamalagi niya roon sa kabila ng pandemya.
“Sa Hong Kong hindi masyadong strict unlike rito sa Pilipinas. Pwede kami lumabas, kahit ‘yung extra activities na pwede gawin sa labas.
“Parks were open, beaches, breakout rooms, lahat. Walang change du’n ‘yung mask lang talaga, regular sanitizing,” aniya.
Ilang araw nang nasa taping ng nabanggit na serye si Migo at bumilib siya sa new normal taping para rito.
“Very efficient as in. We start in the morning get so many scenes done and finish by 8:00 pm- 9:00 pm.
“And then same routine the next day. It was well planned out. All locations were planned out very well,” aniya.
Samantala, bukod sa Anak ni Waray vs Anak ni Biday, bibida rin ang aktor sa upcoming series ng GMA Public Affairs.
Ang naturang proyekto umano ang magbibigay sa kanya ng pagkakataong gampanan ang role na malayo sa mga nauna na niyang ginampanan.
“He’s a very sad person and he uses humor as his defense mechanism.
“You can see that he’s hiding a lot of pain and he doesn’t show who he really is around the people, especially the people that he cares about,” lahad niya.
***
ANO nga ba ang naging takbo ng buhay ni John bago naging isang matagumpay na vlogger? Abangan sa episode na ‘Viral Beki Vlogger: The John Michael Villaflor Story’ na pagbibidahan ni Sef Cadayona ngayong Sabado na sa Magpakailanman. #MPKViralBekiVlogger.
Abangan si Sef Cadayona bilang isang beki vlogger na nag-viral sa social media. Sa Sabado na sa Magpakailanman.