Advertisers

Advertisers

OFWs, panahon nang ituring na mga tunay na bayani

0 286

Advertisers

ANG Overseas Filipino Workers o OFW ang itinuturing nating mga bagong bayani ng bayan. Mismo!

Oo! Napakalaki ng kanilang ambag sa ating ekonomiya lalo na kung nasa krisis ang pondo ng ating bayan. Ang kanilang mga padala ang nagpapalutang sa ating ekonomiya. Ngayong Disyembre ang ‘Month for Overseas Filipino Workers’ at marapat lamang na bigyan natin sila ng pagkilala.

Ngunit kakambal nito ang mga pagdurusa at pasakit na kanilang nararanasan hindi lamang sa mga bansang kanilang pinagsisilbihan kundi pati narin sa bansang kanilang sinilangan. Nandyan ang kaliwa’t kanang pagmamaltrato, pagmamalabis, sexual assault, mababang sahod at kung anu-ano pang mga insidente ng karahasan na kanilang dinaranas sa layuning kumita upang may maitustus sa pangangailangan ng kanilang pamilyang naiwan sa Pinas.



Ito ang naging inspirasyon ni dating DFA Secretary Alan Cayetano na gumawa ng paraan para madagdagan ang Assistance to Nationals (ATN) fund mula P400 milyon hanggang P1 bilyon. Pinalawak din nito ang sakop ng naturang pondo upang mas maraming documented o undocumented OFWs na matutulungan ang ATN fund. Pinaigting din ni Cayetano ang Legal Assistance Fund (LAF) ng ahensiya upang mas maging mabilis ang tugon ng mga ahensya ng gobyerno sa legal assistance na hinaharap ng OFWs.

Kaya naman ginawaran ni Pangulong Rody Duterte si Cayetano ng ‘Order of Sikatuna’ na may ranggong ‘Datu’ noong siya pa ang kalihim ng DFA. Ito ay ang pinakamataas na parangal na ginagawad ng pangulo ng Pilipinas sa kalihim ng DFA at diplomatic officials. Kinilala din ni Digong ang pagsisikap at adhikain ni Cayetano na protektahan ang kapakanan ng OFWs saan man sa mundo. Mula sa mabagal na proseso ay bumilis ang takbo ng sistema sa pagtulong sa OFWs dahil sa pagpapalawak sa ATN Fund at LAF.

Tingnan nyo nga naman… masyadong advance mag-isip itong si Cayetano, napaghandaan na kahit papano ang malawakang repatriation ng OFWs dahil sa COVID-19. Sa tala ng gobyerno, umaabot na sa 277,320 ang napauwi sa Pilipinas dahil sa virus. Sa bilang na ito, 190,907 (68.84%) ang land-based, samantalang 86,413 (31.16% ) ang sea-based.

Kung hindi naisipan ng DFA sa ilalim ng liderato ni Cayetano ang bagay na ito, napakalaki sanang delubyo ang tumama sa atin sa usapin ng OFWs. Marami sanang kwento ng mga pagdurusa ang mababasa at maririnig natin tungkol sa OFWs na nawalan ng trabaho at ‘di nakauwi sa Pilipinas sa lalong madaling panahon.

Bukod sa ATN fund, nadagdagan din ang LAF na siyang sumalba sa buhay ng isa nating OFW na nagtrabaho sa Kuwait. Ginahasa siya ng kanyang amo walong taon na ang nagdaan at kasama siya sa ika-20 repatriation chartered flight ng DFA mula sa kuwait nito lamang Dec. 1. Sa tulong ng kanyang legal team ay naipanalo ang kanyang kaso at sa kanyang pag-uwi sa Pinas, sinagot naman ng ATN fund ang kanyang pamasahe.



Dinagdagan pa ng P820 milyon ang ATN fund sa ‘Bayanihan to Recover As One act o Bayanihan 2’ sa kamara sa ilalim ng liderato ni Cayetano noong siya’y speaker pa. Kaya naman nagtuloy-tuloy pa ang repatriation program ng gobyerno at sinaklaw narin ng pondo ang cremation, pagpapa-uwi sa bansa ng mga labi ng OFWs na nasawi sa COVID-19 at iba pang pangangailangan ng mga ito sa panahon ng pandemya.

Ito ay ilan lamang sa mga pangunahing reporma na ginawa ng gobyerno para sa OFWs bilang sukli sa kanilang sakripisyo at malaking ambag sa ekonomiya ng ating bansa. Hindi dapat tumigil ang administrasyon sa pagbibigay-pugay sa OFWs bagkus patuloy pang magpatupad ng integrated at comprehensive plans upang mas maging matatag ang buhay ng mga ito, mas maging ligtas sa kanilang trabaho at maging mas maganda ang kanilang kinabukasan. Mismo!