Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
HINDI pa man natatapos ang taon, pasok na ang sexy actress at model na si Ivana Alawi bilang isa sa mga trending newsmaker of the year.
Sa mga datos kasi, kasama ang videos niya na na-upload sa Youtube sa “top trending”videos para sa taong 2020.
Marami ang naaliw sa ‘boyfriend prank” nila ng Fil-Chinese dancer na si DJ Loonyo na sinubaybayan naman talaga ng netizens at nabuo ang loveteam nilang LooVana.
Marami rin kasi ang kinilig sa kanilang tambalan.
Kasama sa trending videos ngayong taon ang naging performance ni Marcelito Pomoy sa performance sa “Ämerica’s Got Talent,” ang video ng prank ni Raffy Tulfo sa social media sensation at maging ang tandem nina Ivana at Alex Gonzaga sa vlog ng huli.
Speaking of Ivana, siya ang hinirang na bagong calendar girl ng Tanduay.
Para kay Ivana, dream come true ang mapiling bagong calendar girl ng world’s number rum.
“Happy ako na ako ang napili,” pahayag ni Ivana.“Hindi lahat ay nabibigyan ng pagkakataon na maging calendar girl. Masaya rin ako dahil positive ang feedbacks ng photos at collab namin with Mark Nicdao. Proud ako to be part of Tanduay’s family,” dugtong niya.
Flattered naman si Ivana kapag sinasabing siya na ang bagong pantasya ng mga kalalakihan.
“Nakakatuwa at nakaka-flatter siya. To be admired, ibig sabihin, may qualities kang nakita nila na worth admiring,” esplika niya.”Pero, siyempre, mas gusto ko pa rin na makilala ako as an actress,” dagdag na hirit niya.
Noong hinagupit ng bagyong Ulysses ang Cagayan, naging abala si Ivana ng paghahatid ng tulong sa mga nasalanta nating mga kababayan. Nag-organisa rin siya noon ng relief operations para sa mga pamilyang apektado ng lockdown dahil sa Covid-19 pandemic.
Si Ivana ay nakilala sa mga teleseryeng Araw, Gabi, FPJ’s Ang Probinsyano at Sino ang Maysala? sa ABS-CBN.
Tinanghal din siya bilang Best New Female Personality for Television sa 33rd PMPC Star Awards for Television.
Bilang isang popular social media personality, si Ivana ay may 6.3 million followers sa Instagram at 10 million subscribers sa Youtube channel.
Bilang 2021 Tanduay calendar girl, magiging kaliga na si Ivana nina Heart Evangelista, Jessy Mendiola, ErichGonzales, Jennilyn Mercado, Bela Padilla, at Barbie Imperial.