Advertisers
Ni NONIE V. NICASIO
MASAYA si Kiel Alo sa pagkakataong ibinigay sa kanya para kantahin ang theme song ng pelikulang Anak ng Macho Dancer.
Ito ay komposisyon ni Direk Joven Tan at pinamagatang Malalim Na Naman Ang Gabi.
Lahad ni Kiel, “Sobrang tuwa po and it is an honor po for me to sing the theme song of one of the creations of the well renowned director, Direk Joel Lamangan under the most successful and generous production-Godfather Productions of sir Joed Serrano, who won as the Outstanding Concert Producer of the Year.
“Hindi po basta-basta ang ganitong opportunity para sa mga katulad kong baguhan, kaya nagpapasalamat po ako sa mga bumubuo ng produksiyon sa pagtitiwala nila sa akin.”
Aniya pa, “Unang beses ko pong napakinggan yung kanta, naluha po ako. Unang beses ko lang din po makatrabaho si Direk Joven Tan. Napaka-cool po niya.”
Ang pelikulang Anak ng Macho Dancer ay mula sa The Godfather Productions ng Mega Producer na si Joed Serrano. Ito’y tinatampukan ng Clique V member na si Sean de Guzman at mula sa pamamahala ng premyadong direktor na si Joel Lamangan.
Tampok din sa Anak ng Macho Dancer sina Allan Paule, Jaclyn Jose, Rosanna Roces, Jay Manalo, William Lorenzo, Emilio Garcia, Ricky Gumera, Charles Nathan, Miko Pasamonte, Niel Suarez, Chloe Sy, at iba pa.
Planong gawin ang premiere night nito ngayong December sa UP Film Center para sa uncut version ng pelikula.
Anyway, inusisa rin namin ang talented na alaga ni katotong Jobert Sucaldito kung ano ang wish niya this Christmas and sa pagpasok ng 2021?
Wika ni Kiel, “Wish ko po this Christmas na sana matapos na lahat ng pagsubok na ibinigay ng pandemya at sakuna sa ating lahat. At sana kayanin ng bawat Filipino na magpatuloy, mangarap muli, at magsimula sa kabila ng lahat, sa tulong ng Diyos.
“Sa pagpasok naman po ng year 2021, sana mas mabigyan pa po ako ng maraming pagkakataon para maibahagi ang musika ko at talento. At sana mas marami pang maniwala at magtiwala sa aking kakayanan sa industriya.
“Marami pa po akong kayang gawin at ipakita kung mabibigyan lang po ako ng opportunidad,” esplika pa ng singer na binansagang Hugot King.